YouVersion လိုဂို
ရှာရန် အိုင်ကွန်

2 Timoteo 3:1-5

2 Timoteo 3:1-5 ASD

Tandaan mo ito: Magiging mahirap ang mga huling araw, dahil magiging makasarili ang mga tao, sakim sa salapi, mayabang, mapagmataas, mapanlait, masuwayin sa magulang, walang utang na loob, at hindi maka-Diyos. Wala silang pagmamahal sa kapwa, ayaw nilang makipagkasundo sa kaaway nila, malupit, walang awa, mapanira sa kapwa, walang pagpipigil sa sarili, at galit sa anumang mabuti. Hindi lang iyan, mga taksil sila, mapusok, mapagmataas, mahilig sa kalayawan, sa halip na maibigin sa Diyos. Ipinapakita nilang maka-Diyos sila ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa buhay nila. Iwasan mo ang mga taong ganito.