At sinabi pa niya,
“Panginoon, nang pasimula paʼy
nilikha mo ang sanlibutan
at ikaw rin ang lumikha ng kalangitan.
Ang lahat ng ito ay may katapusan,
ngunit ikaʼy mananatili magpakailanman.
Sapagkat tulad ng damit na kumukupas,
ang mga ito ay lilipas.