Mga minamahal, huwag kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na nararanasan ninyo, na para bang may kakaibang nangyayari sa inyo. Sa halip, magalak kayo dahil nakikibahagi kayo sa mga hirap ni Kristo. At magiging lubos ang kagalakan nʼyo kapag naipakita na niya ang kapangyarihan niya sa lahat.