MGA AWIT 87

87
Salmo ng mga anak ni Core; Awit.
1Ang kaniyang #Is. 28:16. patibayan ay #Awit 48:1. nasa mga banal na bundok.
2Minahal ng Panginoon ang mga pintuang-bayan ng Sion,
Ng higit kay sa lahat na tahanan ng Jacob.
3Maluwalhating mga bagay ang sinalita tungkol sa iyo,
# Awit 46:4. Oh bayan ng Dios. (Selah)
4Aking babanggitin ang Rahab #Awit 89:10; Is. 19:22-25; 51:9. at ang Babilonia na kasama ng mga nakakakilala sa akin:
Narito, ang Filistia at ang Tiro, pati ng Etiopia;
Ang isang ito ay ipinanganak diyan.
5Oo, tungkol sa Sion ay sasabihin,
Ang isang ito at ang isang yaon ay ipinanganak sa kaniya;
At itatatag siya ng Kataastaasan.
6Sasalaysayin ng Panginoon, pagka kaniyang #Awit 69:28. isinulat ang mga bayan,
Ang isang ito ay ipinanganak diyan. (Selah)
7Silang nagsisiawit na gaya ng nagsisisayaw ay mangagsasabi,
Lahat ng aking mga bukal ay nangasa iyo.

선택된 구절:

MGA AWIT 87: ABTAG

하이라이트

공유

비교

복사

None

모든 기기에 하이라이트를 저장하고 싶으신가요? 회원가입 혹은 로그인하세요