1
Isaias 41:10
Magandang Balita Biblia (2005)
MBB05
Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.
השווה
חקרו Isaias 41:10
2
Isaias 41:13
Ako si Yahweh na inyong Diyos, ang magpapalakas sa inyo. Ako ang nagsasabi, ‘Huwag kayong matakot at tutulungan ko kayo.’”
חקרו Isaias 41:13
3
Isaias 41:11
“Lahat ng may galit sa iyo ay mapapahiya, at mamamatay ang sinumang lumaban sa iyo.
חקרו Isaias 41:11
4
Isaias 41:9
Ikaw ay kinuha ko sa mga dulo ng daigdig; sa pinakamalalayong sulok nito, sinabi ko sa iyo noon, ‘Ikaw ay aking lingkod.’ Pinili kita at hindi itinakwil.
חקרו Isaias 41:9
5
Isaias 41:12
Hahanapin ninyo sila ngunit hindi makikita, mawawala na sila ng lubusan dito sa lupa.
חקרו Isaias 41:12
6
Isaias 41:14
Sinabi pa ni Yahweh, “Israel, mahina ka man at maliit, huwag kang matakot, sapagkat tutulungan kita. Ako ang iyong tagapagligtas, ang banal na Diyos ng Israel.
חקרו Isaias 41:14
7
Isaias 41:8
“Ngunit ikaw, Israel, na aking lingkod lahi ni Abraham na aking kaibigan. Ikaw ang bayang aking hinirang.
חקרו Isaias 41:8
8
Isaias 41:18
Magkakaroon ng ilog sa tigang na burol, aagos ang masaganang tubig sa mga libis; gagawin kong lawa ang disyerto, may mga batis na bubukal sa tuyong lupain.
חקרו Isaias 41:18
9
Isaias 41:17
“Kapag inabot ng matinding uhaw ang aking bayan, na halos matuyo ang kanilang lalamunan, akong si Yahweh ang gagawa ng paraan; akong Diyos ng Israel ay hindi magpapabaya.
חקרו Isaias 41:17
10
Isaias 41:4
Sinong nasa likod ng lahat ng ito? Sinong nagpapagalaw sa takbo ng kasaysayan mula sa pasimula? Akong si Yahweh, na naroon na noon pa man, at mananatili hanggang sa katapusan.
חקרו Isaias 41:4
11
Isaias 41:19-20
Ang mga disyerto'y pupunuin ko ng akasya't sedar, kahoy na olibo at saka ng mirto; kahoy na sipres, alerses at pino. At kung magkagayon, makikita nila at mauunawaan na akong si Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel, ang gumawa at lumikha nito.”
חקרו Isaias 41:19-20