1
Ang Mangangaral 9:10
Magandang Balita Biblia (2005)
MBB05
Anuman ang ginagawa mo'y pagbuhusan mo ng iyong buong makakaya sapagkat sa daigdig ng mga patay na kasasadlakan mo ay wala kang gagawin, ni pag-iisipan man, ni pagbubuhusan ng kaalaman o karunungan.
Comparar
Explorar Ang Mangangaral 9:10
2
Ang Mangangaral 9:11
Ito pa ang isang bagay na napansin ko sa mundong ito: ang mabilis ay di siyang laging nananalo sa takbuhan ni ang malakas ay laging nagwawagi sa digmaan. Ang matatalino'y di laging nakakasumpong ng kanyang mga kailangan at di lahat ng marunong ay yumayaman. Napapansin ko rin na di lahat ng may kakayahan ay nagtatagumpay; lahat ay dinaratnan ng malas.
Explorar Ang Mangangaral 9:11
3
Ang Mangangaral 9:9
Magpakaligaya ka sa piling ng babaing iyong minamahal habang ikaw ay nabubuhay sa mundong ito sapagkat iyon ang iyong bahagi at bunga ng iyong pinagpaguran sa maikling buhay na ito.
Explorar Ang Mangangaral 9:9
4
Ang Mangangaral 9:7
Sige, magpakasaya ka sa pagkain at pag-inom sapagkat iyon ay itinakda ng Diyos para sa iyo.
Explorar Ang Mangangaral 9:7
5
Ang Mangangaral 9:18
Ang karunungan ay makapangyarihan kaysa sandata ngunit ang isang pagkakamali ay nagbubunga ng malaking pinsala.
Explorar Ang Mangangaral 9:18
6
Ang Mangangaral 9:17
Ang mahinang salita ng matalino ay mas may pakinabang kaysa sigaw ng hari sa gitna ng mga mangmang.
Explorar Ang Mangangaral 9:17
7
Ang Mangangaral 9:5
Alam ng buháy na siya'y mamamatay ngunit ang patay ay walang anumang nalalaman. Wala na silang pag-asa, at nakakalimutan nang lubusan.
Explorar Ang Mangangaral 9:5