1
Isaias 60:1
Ang Salita ng Diyos
ASD
“Bumangon ka, Jerusalem, at magliwanag katulad ng araw, sapagkat dumating na ang kaligtasan mo. Liliwanagan ka ng kaluwalhatian ng PANGINOON.
Comparar
Explorar Isaias 60:1
2
Isaias 60:3
Lalapit sa iyong liwanag ang mga bansa at ang kanilang mga hari.
Explorar Isaias 60:3
3
Isaias 60:2
Mababalot ng matinding kadiliman ang mga bansa sa mundo, ngunit ikaw ay liliwanagan ng kaluwalhatian ng PANGINOON.
Explorar Isaias 60:2
4
Isaias 60:22
Kakaunti sila, ngunit dadami sila. Silaʼy kapos-palad ngunit silaʼy magiging makapangyarihang bansa. Ako, ang PANGINOON, ang gagawa nito pagdating ng takdang panahon.”
Explorar Isaias 60:22
5
Isaias 60:19
“Hindi na ang araw ang magiging liwanag mo sa umaga at hindi na ang buwan ang tatanglaw sa iyo sa gabi, sapagkat ako, ang PANGINOON, ang iyong magiging liwanag magpakailanman. Ako, na iyong Diyos, ang iyong tanglaw.
Explorar Isaias 60:19
6
Isaias 60:20
Ako ang iyong magiging araw at buwan na hindi na lulubog kahit kailan. Ang PANGINOON ang magiging liwanag ninyo magpakailanman, at ang mga araw ng inyong pagdurusa ay magkakaroon ng katapusan.
Explorar Isaias 60:20
7
Isaias 60:5
Kapag nakita mo na ito, matutuwa ka at mag-uumapaw ang iyong kagalakan, dahil ang kayamanan ng mga bansa ay dadalhin dito sa iyo.
Explorar Isaias 60:5
8
Isaias 60:4
“Tingnan mo ang iyong paligid, nagtitipon na ang iyong mga mamamayan sa malayo para umuwi. Para silang mga batang kinakarga.
Explorar Isaias 60:4
9
Isaias 60:21
Ang lahat mong mamamayan ay magiging matuwid, at sila na ang magmamay-ari ng lupain ng Israel magpakailanman. Ginawa ko silang parang halaman na itinanim ko para sa aking karangalan.
Explorar Isaias 60:21
10
Isaias 60:18
Wala nang mababalitaang pagmamalupit sa iyong lupain. Wala na ring kapahamakan na darating sa iyo. Palilibutan ka ng kaligtasan na parang pader, at magpupuri sa akin ang mga pumapasok sa iyong pintuan.
Explorar Isaias 60:18
11
Isaias 60:11
Palaging magiging bukas ang iyong pintuan araw at gabi upang tumanggap ng mga kayamanan ng mga bansa. Nakaparada ang mga hari na papasok sa iyo.
Explorar Isaias 60:11
12
Isaias 60:6
Mapupuno ang iyong lupain ng mga kamelyo ng mga taga-Midian at ng mga taga-Efa. Darating sila sa iyo mula sa Sheba na may dalang mga ginto at mga insenso para sambahin ang PANGINOON.
Explorar Isaias 60:6
13
Isaias 60:10
“Itatayo ng mga dayuhan ang iyong mga pader, at ang kanilang mga hari ay maglilingkod sa iyo. Kahit na pinarurusahan kita dahil sa galit ko sa iyo, kaaawaan kita dahil akoʼy mabuti.
Explorar Isaias 60:10
14
Isaias 60:15
“Kahit na ikaʼy itinakwil at inusig, at sayoʼy walang nagpahalaga, gagawin kitang dakila magpakailanman, ang kagalakan ng lahat ng salinlahi.
Explorar Isaias 60:15
15
Isaias 60:16
Aalagaan ka ng mga bansa at ng kanilang mga hari katulad ng sanggol na pinapasuso ng kanyang ina. Sa ganoon, malalaman mo na ako ang PANGINOON na iyong Tagapagligtas at ako ang iyong Tagapagpalaya, ang Diyos na Makapangyarihan ni Jacob.
Explorar Isaias 60:16