Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Panibagong Simula | 5-Day Series from Light Brings FreedomHalimbawa

Panibagong Simula |  5-Day Series from Light Brings Freedom

ARAW 1 NG 5

Panibagong Simula sa Kalayaan


Ang kalayaan ay isang bagay na ating pinahahalagahan. Ito’y pangunahing pangangailangan ng tao. Marami ang nagsakripisyo ng buhay para sa kanilang kalayaan. 


Ngunit sa kasamaang palad, ang bawat isa ay isinilang sa mundong may likas na kasalanan na siyang nagbibilanggo sa ating buhay. Ang tunay na kalayaan ay nagsisimula sa kalooban na may buong pusong naghahanap sa Diyos. 


Mula sa pagkakagapos...


Kaya ni Jesus na tayo ay palayain mula sa pagkakagapos ng kasalanan – anuman ang ating kinakaharap. Makakapagsimula tayo ulit... sa Kanya! 


Kung Siya’y ating hahanapin – masusumpungan natin Siya, at tayo’y Kanyang palalayain mula sa pagkakabihag. 


Sa Kanya tayo makakapagsimula ulit. Sinabi ni Jesus, “Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo”.  Kung pinalaya ka ng Anak, ikaw ay tunay nang malaya. (Mula sa Juan 8:32-36) 


Gusto mo bang maging malaya?


Tandaan mo: Ang tunay na kalayaan ay nagsisimula sa kalooban na may buong pusong naghahanap sa Diyos



Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:



  • Mapalaya mula sa pagkakabilanggo sa kasalanan, kung isusuko mo ang iyong buhay sa Kanya.

  • Mapanumbalik ang iyong pagkakakilanlan bilang anak ng Diyos.

  • Turuan kang mamuhay sa kalayaan na Kanyang ibinibigay! :)


Pag-isipan mo sumandali:



  • Ano ang inaasam ng iyong puso? Kapayapaan? Pag-ibig? Pagtanggap?

  • Sa buhay mo, saan ka nagnanais ng kalayaan? (Mula ba sa takot, pagkagapos, kalungkutan, kawalan ng pag-asa, adiksyon, kasalanan, atbp.?)

  • Ano ang susi para mapanatili ang matagalang kalayaan?

  • Noong maranasan mo ang pagmamahal ng Diyos sa’yo, paano ka nabibigyan ng kalakasan para sa paghahanap ng kalayaan?

  • Paano ka makakalapit sa Diyos ng buong puso?


Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:


Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Panibagong Simula |  5-Day Series from Light Brings Freedom

"Try again," daw, pero paano nga ba? Marami ang nagnanais ng panibagong simula sa buhay... pero hindi nila alam kung paano maumpisahan. Ito rin ba ang feeling mo? Samahan mo kami sumandali at pag-aralan natin kung paan...

More

Nais naming pasalamatan ang Bridge To The Islands & Nations Ministries sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lightbringsfreedom.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya