Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

21-Araw na Panalangin para sa mga Kaibigan Halimbawa

21-Days of Praying for Friends

ARAW 3 NG 21

Gabay sa panalangin



Juan 4:13-14



Sumagot si Jesus, “Ang bawat uminom ng tubig na ito'y muling mauuhaw, ngunit ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na muling mauuhaw kailanman. Ang tubig na ibibigay ko ay magiging batis sa loob niya,  at patuloy na bubukal at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.”



Panalangin:



Ama, tanging ikaw ang makatutugon ng labis na pangangailangan ng aming buhay. Jesus, salamat sa Iyong pagkamatay sa krus upang hindi na kami muling mauhaw. Dalangin ko na mapagtanto ni _______________________ na walang anuman sa mundong ito ang makapupuno ng kanyang mga pananabik, hangarin o masidhing mithiin. Nawa malasap ni _______________________ ang buhay na tubig na ibinigay Mo at makontento dito. Dalangin ko na ang ebanghelyo ay mag-ugat nang malalim sa kanilang puso at ito ay maging walang kamatayang bukal ng buhay, kagalakan at kapayapaan. 


Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

21-Days of Praying for Friends

Kadalasan tayo ay nahihirapan na ibahagi ang ebanghelyo sa ating mga kaibigan. Tayo ay natatalo ng takot o kaya ay hindi natin alam ang ating ibabahagi. Kailangan nating lahat ng pasanin na abutin ang ating mga naliligaw...

More

Nais naming pasalamatan ang New City Delhi sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.newcitydelhi.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya