Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Chasing CarrotsHalimbawa

Chasing Carrots

ARAW 2 NG 7

Paghabol sa Katanyagan



Ang salitang Griyego para sa salitang katanyagan—phēmē, na binibigkas na fā'-mā—ay dalawang beses lamang ginamit sa Bagong Tipan. Ito ay kadalasang itinatakda bilang isang talumpati, ulat, o balita. Narito ang paraan kung paano ginamit ang phēmē sa Lucas 4:14 RTPV05:



Bumalik sa Galilea si Jesus na sumasakanya ang kapangyarihan ng Espiritu. Napabalita sa mga karatig-bayan ang tungkol sa Kanya.



Saan ba nanggaling si Jesus na naging dahilan ng pagkalat ng Kanyang katanyagan sa buong lugar? Tingnan natin ang konteksto nito. Sa Lucas 1, narinig natin ang darating na kapanganakan ni Jesus. Sa Lucas 2, Siya'y ipinanganak at naging isang batang lalaki. Sa Lucas 3, Siya'y binautismuhan. Hanggang, sa mga unang bersikulo ng Lucas 4, si Jesus ay nag-ayuno at tinukso sa ilang ng diyablo. Dito tayo babalik sa Lucas 4:14. 



Bumalik sa Galilea si Jesus na sumasakanya ang kapangyarihan ng Espiritu. Napabalita sa mga karatig-bayan ang tungkol sa Kanya. Lucas 4:14 RTPV05 



Sa ating babasahin ngayon, malalaman ninyo ang buong kuwento tungkol sa pagsubok kay Jesus sa ilang. Si Jesus ay nag-ayuno sa ilang sa loob ng 40 araw at sa kalagitnaan nito, ang diyablo mismo ang tumukso kay Jesus ng mga maling uri ng pagkain (Lucas 4:3-4), katanyagan (Lucas 4:5-8), at pananampalataya (Lucas 4:9-12). Sa bawat pagkakataon, tinanggihan ni Jesus ang tukso at tinugon ito ng Salita ng Diyos.



Ang uri ng katanyagan sa Lucas 4:14 ay hindi ang uri na lagi nating hinahabol, hindi ba? Madalas ang hinahabol natin ay ang katulad ng iniaalok ng diyablo kay Jesus sa ilang. Panustos nang walang kasiyahan (Lucas 4:3-4), kaningningan nang walang pagsasakripisyo (Lucas 4:5-8), at kaligtasan nang walang pagsuko (Lucas 4:9-12). 



Isipin ang pagkilala sa trabaho, mga pagpapakita ng pagkagusto sa mga social media, at papuri mula sa iba. Panandaliang masarap ito sa pakiramdam, at pagkatapos nito ay gugustuhin mo pa ang higit dito. Kung tayo ay magiging tapat, lahat tayo ay malamang na nakaranas na ng mga pagkakataong ninais nating mapansin o maging kilala sa isang bagay. Katulad din nito, nag-alok ang diyablo kay Jesus ng salapi, impluwensya, at kapangyarihan. Si Jesus ay natuksong tulad natin, ngunit hindi Siya kumagat sa pain. 



Mababasa rin natin ang tungkol sa huling pagtukso ng diyablo kay Jesus—ang pag-uutos sa Kanyang tumalon mula sa isang gusali upang saluhin Siya ng Diyos. Nasubukan mo na bang manalangin ng isang panalangin na pumipilit sa Diyos na gawin ang isang bagay ayon sa iyong pamamaraan, sa panahong itinakda mo? Hindi ito nakapagbibigay ng kapurihan sa Diyos—kaya nga tumugon si Jesus sa pamamagitan ng pagsasabing hindi natin dapat sinusubok ang Diyos sa ganoong paraan. 



May isang muling binuong wika na tinatawag na PIE—Proto-Indo-European—ang hindi nakasulat na ninuno ng wikang Griyego. Ang salitang-ugat ng PIE na naging phēmē, ay -bha, na ang ibig sabihin ay "magliwanag" at "magsalita." Kaya't bumalik tayo sa ating mga pinagmulan. Hindi tayo nilikha upang maging Ilaw—si Jesus iyon—ngunit tinawag tayo upang magliwanag sa Kanyang ilaw. Hindi tayo ang Salita—sinasabi sa Ebanghelyo ni Juan na si Jesus din iyon—ngunit tayo ay tinatawag na magsalita ng Kanyang Banal na Salita sa buong mundo.



Ang paghabol sa katanyagan ay paghabol sa isang bagay na pagmamay-ari ng Diyos sa halip na paghabol sa Diyos mismo. Iyan ang pinakamatandang tukso na nasa aklat. Huwag kang pahuhuli rito. Sa susunod na harapin mo ang tukso ng katanyagan, gawin mo ang ginawa ni Jesus. Paliwanagin mo ang liwanag ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasalita ng Kanyang Banal na Salita. At kapag ginawa mo ito, nangyayari ang nangyari sa Lucas 4:14. Ang Kanyang katanyagan ay kumakalat.



Manalangin: O Diyos, paano bang ang pagsisikap kong magustuhan ay nakapipigil sa aking pagliwanagin ang iyong ilaw? Nais kong sumunod sa Iyo nang lahat ng mayroon ako. Amen. 


Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Chasing Carrots

Lahat tayo ay may hinahabol na isang bagay. Madalas ito ay isang bagay na hindi maabot—mas magandang trabaho, mas komportableng tahanan, isang perpektong pamilya, ang papuri ng ibang tao. Ngunit hindi ba nakakapagod ito?...

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya