Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pag-aalala Halimbawa

Worry

ARAW 1 NG 7

Papano kung? Papano kung? Minsan mo na bang hinarap ang katanungang ito? Ang pag-iistima sa mga isipin kung anong mga maaaring mangyari sa iyong buhay ay ang unang hakbang upang pangunahan ka ng pag-aalala. Ang pagkabalisa ay ang pag ako ng responsibilidad sa mga bagay na hindi naman inilaan sa iyo para harapin. Ang pag-aalala ay kakulangan ng pagtitiwala sa Maykapal na may gawa ng sansinukob. Ang pag-aalala ay nagsasabi sa iyo na kaya mong harapin ang maraming bagay na madalas ay hindi mo naman talaga kaya. Nag aalala ka ba na masyado kang maaalalahanin? Hindi mo tinatalo ang pag-aalala sa pamamagitan ng pag-aalala dito. Matatalo mo ito sa pagdala ng iyong mga alalahanin sa Isang tao na may magagawa sa iyong sitwasyon. Hindi ito nangangahulugan na wala ka ng responsibilidad sa mga bagay na dapat mong harapin; ang ibig sabihin lang nito ay alam mo kung kailan ka titigil at kung kailan magsisimula ang Diyos. Nag-aalala ka ba na hindi mo masyadong alam ang tungkol dito? Tingnan mo kung anong sinasabi ng Bibliya!

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Worry

Ang ating mga buhay ay madaling mapuspos ng pag-aalala at pagkatakot sa hindi natin nalalaman. Ngunit ang Diyos ay binigyan tayo ng Ispiritu ng katapangan, hindi ng pagkatakot o pagkabalisa. Itong pitong araw na debosyon...

More

We would like to thank Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.life.church

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya