Jesus
Mula sa Jesus Film Project
KAUGNAY NA KASULATAN
Isang docudrama tungkol sa buhay ni Hesukristo, ang pelikulang “JESUS” ay naisalin sa higit sa 1,400 na wika mula nang ito’y unang ipalabas nuong 1979. Taglay nito ang rekord bilang pelikulang may pinakamaraming salin at pinakamaraming beses na pinanood sa buong kasaysayan. Ayon sa may-akda ng “The Purpose Driven Life” na si Pastor Rick Warren, “Ang pelikulang “JESUS” ang pinakamahusay na imbensyon sa pagpapalaganap ng ebanghelyo.” Higit sa 450 religious leader at iskolar ang nagsuri sa iskrip upang mapanatiling naayon sa kasaysayan at Biblia ang isinasaad ng pelikula. Ang kwento ay hango sa ebanghelyo ni Lucas, kaya’t halos lahat ng salita ni Jesus ay nagmula sa Biblia. Ang masusing pagsisikap upang ilarawan ang kultura ng mga Hudyo at Romano sa gawing 2,000 taon nakararaan ay: ang pagsama ng mga telang hinabi gamit lamang ang 35 na kulay ng panahon na iyon, pagpapalayok na gamit ang paraan ng unang siglo, at ang pagtanggal ng mga modernong linya ng telepono at kuryente sa kapaligiran.Ginawa ang JESUS sa 202 lugar mula sa Israel noong 1979, na may tauhang aabot sa 5,000 Israeli at Arabo. Hangga’t maaari, ang mga eksena ay ginawa sa mismong lugar kung saan ito naganap 2,000 taon na ang nakalilipas.