Mga resulta para sa: igos
Santiago 3:12 (ASND)
Mga kapatid, hindi rin maaaring mamunga ng olibo ang puno ng igos o ng igos ang ubas. Hindi rin maaaring makakuha ng tubig-tabang sa tubig-alat.
Jeremias 24:2 (ASND)
Ang mga igos sa isang basket ay sariwa at maganda, hinog, at bagong pitas. Pero ang mga igos naman sa isang basket ay mga bulok at hindi na makain.
Marcos 11:13 (ASND)
May nakita siyang isang madahong puno ng igos. Kaya nilapitan niya ito at tiningnan kung may bunga. Pero wala siyang nakita kundi mga dahon, dahil hindi pa panahon ng mga igos noon.
Hukom 9:10 (ASND)
“At sinabi nila sa puno ng igos, ‘Ikaw na lang ang maghari sa amin.’
Deuteronomio 8:8 (ASND)
Ang lupaing ito ay may mga trigo, sebada, ubas, igos, pomegranata, olibo at pulot.
Salmo 105:33 (ASND)
Sinira niya ang tanim nilang mga ubas, mga puno ng igos, at iba pang mga punongkahoy.
Jeremias 29:17 (ASND)
Padadalhan ko sila ng digmaan, taggutom at sakit. Matutulad sila sa bulok na igos na hindi na makakain.
Mateo 7:16 (ASND)
Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Ang matitinik na halaman ay hindi namumunga ng ubas o igos.
Lucas 6:44 (ASND)
Ang bawat puno ay nakikilala sa bunga nito. Ang matitinik na halaman ay hindi namumunga ng igos o ubas.
Lucas 21:29 (ASND)
Ikinuwento sa kanila ni Jesus ang paghahalintulad na ito: “Tingnan ninyo ang puno ng igos at ang iba pang punongkahoy.
Hukom 9:11 (ASND)
Sumagot ang igos, ‘Mas pipiliin ko pa ba ang maghari sa inyo kaysa sa magbigay ng masarap na bunga? Hindi! ’
Pahayag 6:13 (ASND)
Nahulog sa lupa ang mga bituin, na parang mga hilaw na bunga ng igos na hinahampas ng malakas na hangin.
Marcos 11:21 (ASND)
Naalala ni Pedro ang nangyari. Kaya sinabi niya, “Guro, tingnan nʼyo po ang puno ng igos na isinumpa ninyo. Natuyo na!”
Jeremias 24:5 (ASND)
“ Ako, ang Panginoon , ang Dios ng Israel ay nagsasabing ituturing kong parang magagandang igos ang mga Israelitang ipinabihag ko sa mga taga-Babilonia.
Ezekiel 27:17 (ASND)
“ ‘Nakipagkalakalan din ang Juda at Israel at ang ibinayad nila sa iyo ay trigo mula sa Minit, igos, pulot, langis, at gamot na ipinapahid.
Kawikaan 27:18 (ASND)
Kapag inalagaan mo ang puno ng igos, makakakain ka ng bunga nito. Ganoon din kapag amo moʼy iyong pinagmamalasakitan, ikaw naman ay kanyang pararangalan.
Marcos 11:20 (ASND)
Kinaumagahan, nang pabalik na silang muli sa Jerusalem, nadaanan nila ang puno ng igos at nakita nilang tuyong-tuyo na ito hanggang sa ugat.
Mateo 24:32 (ASND)
“Unawain ninyo ang aral na ito mula sa puno ng igos: Kapag nagkakadahon na ang mga sanga nito, alam ninyong malapit na ang tag-init.
Marcos 13:28 (ASND)
“Unawain ninyo ang aral na ito mula sa puno ng igos: Kapag nagkakadahon na ang mga sanga nito, alam ninyong malapit na ang tag-init.
Micas 7:1 (ASND)
Sinabi ni Micas: Kawawa ako! Para akong isang gutom na naghahanap ng mga natirang bunga ng ubas o igos pero walang makita ni isa man.
Awit 2:13 (ASND)
Ang mga bunga ng igos ay hinog na at humahalimuyak ang bulaklak ng mga ubas. Halika na irog kong maganda, sa akin ay sumama ka na.”
2 Hari 20:7 (ASND)
Sinabi ni Isaias sa mga utusan ni Haring Hezekia na tapalan nila ang namamagang bukol nito ng dinurog na igos. Ginawa nga nila ito at gumaling siya.
Micas 4:4 (ASND)
Ang bawat tao ay uupo sa ilalim ng kanilang tanim na ubas at puno ng igos nang walang kinatatakutan. Mangyayari ito, dahil sinabi mismo ng Panginoong Makapangyarihan.
Joel 1:12 (ASND)
Nalanta ang mga tanim na ubas at ang lahat ng puno, pati na ang mga igos, pomegranata, palma, at mansanas. Talagang nawala ang kaligayahan ng mga tao.
Joel 2:22 (ASND)
Huwag matakot ang mga hayop, dahil luntian na ang mga pastulan at namumunga na ang mga punongkahoy, pati na ang mga igos, gayon din ang mga ubas.