Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

PrayerHalimbawa

Prayer

ARAW 7 NG 7

Hindi lang para sa magaling ang pag-journal 📓

Noong bata ako, binilhan ako ni mama ng small diary with a lock and a tiny key. Tuwang-tuwa akong magsulat dito: ikinukuwento ko sa diary ang mga nangyayari araw-araw. Isa sa mga naisulat ko rito ay ang kauna-unahang experience kong manood ng sine: isang Tagalog comedy na starring ang isang napakasikat na komedyante.

Bakit ko ikinukuwento ito? Dahil, noong naging Christian ako, natutunan kong isa pala sa makakatulong sa pagsunod kay Jesus ang tinatawag na pag-journal. Baka may mga kaibigan kang mahilig mag-journal, at maaaring iniisip mo din na wala kang oras o hilig na gawin ito. Hindi kami naririto para bigyan ka ng listahan ng mga dapat o hindi dapat gawin sa pagsunod kay Jesus. But I want to share with you that journaling doesn’t have to be too complicated for ordinary individuals to do.

Sa totoo lang, wala namang nakasulat sa Bible na mismong nagsasabi na kailangang mag-journal. Pero ang buong Psalms ay magandang halimbawa ng paglilista ng mga panalangin ng tao. Let’s read a few of these:

Panginoon, kay dami kong kaaway;
kay daming kumakalaban sa akin!
Sinasabi nilang hindi nʼyo raw ako ililigtas.
Ngunit kayo ang aking kalasag.
Pinalalakas nʼyo ako at pinagtatagumpay sa aking mga kaaway.
(Salmo 3:1-3 ASND)

O Panginoon, pakinggan nʼyo po ang aking mga hinaing at iyak.
Pakinggan nʼyo ang paghingi ko ng tulong, O Dios ko at aking Hari,
dahil sa inyo lamang ako lumalapit.
Sa umaga, O Panginoon naririnig nʼyo ang aking panalangin, habang sinasabi ko sa inyo ang aking mga kahilingan at hinihintay ko ang inyong kasagutan. (Salmo 5:1-3 ASND)

Dito natin makikita na isinulat din pala ng mga tagasulat ng Salmo ang kanilang mga panalangin. Try this too, even with just one line of prayer today!

Tandaan mo, isa kang miracle!

Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day . Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!

Tungkol sa Gabay na ito

Prayer

7-day Reading Plan Patungkol sa Prayer

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day/miracle