PrayerHalimbawa

Do you need guidance? đź§
Naranasan mo na bang makabili ng bagong bagay, gadget man o appliance na hindi mo tiningnan ang user manual at naging dahilan ito ng iyong pagkalito sa paggamit nito? O nakaranas ka bang pumunta sa isang lugar na hindi mo alam ang direksyon, at walang internet para makapag- GPS ka? Hindi ba’t nakakalito kapag hindi ka sigurado kung ano ang dapat mong gawin?
Sa buhay, may ganito din tayong pakiramdam: mahirap kapag walang gabay. The good news is, God wants to guide us, and prayer is one way kung saan pwede tayong humingi sa Kanya ng tulong at gabay.
Tingnan natin ang ilang halimbawa galing sa Bible:
Ituro nĘĽyo sa akin, Panginoon, ang tamang pamamaraan,
ang tuwid na daan na dapat kong lakaran.
Turuan nĘĽyo akong mamuhay ayon sa katotohanan,
dahil kayo ang Dios na aking tagapagligtas.
Kayo ang lagi kong inaasahan. (Salmo 25:4-5 ASND)
at maririnig ninyo ang kanyang tinig na magtuturo sa inyo ng tamang daan, saan man kayo naroroon. (Isaias 30:21 ASND)
Palagi ko kayong papatnubayan at bubusugin, kahit na mahirap ang kalagayan ninyo. Palalakasin ko kayo, at kayoĘĽy magiging parang halamanang sagana sa tubig at parang bukal na hindi nawawalan ng tubig. (Isaias 58:11 ASND)
Nakikita mo ba? Maaasahan mong gusto kang patnubayan ni Lord. Today, we challenge you with this: choose one of the verses above, and read it aloud several times throughout the day — perhaps before every meal and before going to bed.
Puwede mo rin itong gamitin bilang panalangin sa mga pinagdadaanan mo ngayon, gaya nito: “Lord, ipinangako mo sa Bible na ituturo Mo sa akin ang tamang daan. Kailangan ko ng gabay Mo sa ______. Salamat, Lord. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa Prayer
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day/miracle




