Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Bagong Araw, Bagong IkawHalimbawa

New Day, New You

ARAW 1 NG 14

Pagtitimpi: Ang Kaibigan sa Magandang Panahon

Tila isang napakagandang bagay ang pagtitimpi. Pinapaniwala tayo na mayroon tayong sapat nito upang labanan ang bawat tukso na dumarating sa atin. At may mga pagkakataong nangyayari nga ito. Ngunit hayaan mong sabihin ko sa iyo ang isang sikreto tungkol sa pagtitimpi. Ang pagtitimpi ang iyong pinakamabuting kaibigan kapag maganda ang nangyayari sa iyo, ngunit ito rin ang kauna-unahang kaibigang bumibitiw kapag napapagod ka na. Napansin ko na kapag ayaw ko talagang gawin ang isang bagay, napakarami kong dahilan kung bakit hindi ko dapat gawin ito. Sumasali na rin ang aking mga emosyon at sinasabi kong, "Tama, sapagkat ayaw ko naman talagang gawin ito."

Nais ng ating espiritu (isip, kalooban, damdamin) na patakbuhin ang ating mga buhay ngunit sinasabi ng Biblia na tayo ay nararapat pamunuan ng Espiritu ng Diyos. Hindi kailanman tayo tinuturuan na magpigil lamang sa sarili kundi hayaan ang Espiritu na pamunuan tayo. Importante at mahalaga ang pagtitimpi at disiplina sa matagumpay na buhay ngunit hindi ito sapat. Makakapagumpisa ka at makakalakad pansamantala kung ikaw ay may pagpupunyagi ngunit hindi ito kailanman sapat upang ikaw ay makarating sa pinakadulo. Sinasabi sa Zacarias 4:6 (MBB) "Ang tagumpay ay hindi makakamit sa pamamagitan ng lakas ng hukbo o sariling kapangyarihan kundi sa pamamagitan lamang ng aking espiritu."Ano ang mangyayari kung sa panahon ng pangangailangan ikaw ay manangan muna sa Diyos bago sa iyong pagtitimpi? Pinapakawalan ng Diyos ang Kanyang kapangyarihan sa iyong pagtitimpi at pinapasigla niya ito upang dalhin ka sa pinakadulo. Hindi ang pagtitimpi ang tatanggap ng kapurihan sa iyong tagumpay kundi ang Diyos. Sinabi ni Jesus sa Juan 15:5 (MBB), "sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin." Ito ang isa sa pinaka-importante at pinakamahirap na leksiyon na dapat nating matutunan kung nais nating tamasahin ang buhay na ibinigay ni Hesus sa atin sa Kanyang pagkamatay.

Mula sa Aklat ni Joyce Meyer, New Day, New You Copyright 2007 ni Joyce Meyer. Inilathala ng FaithWords. All rights reserved.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

New Day, New You

Napakahalaga kung paano mong ginugugol ang mga unang kaisipan mo sa iyong araw - ang paggugol ng kahit ilang minuto bawat umaga na kasama ang Diyos ay pagkakataon para sa iyo na magsimula nang tama at makapagtakda ng pos...

More

We would like to thank Joyce Meyer Ministries for providing this plan. For more information, please visit: www.joycemeyer.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya