bible icon

Dalhin ang kapangyarihan ng Filipino Bible App sa mga serbisyo ng inyong simbahan.

Ang tanging kinakailangan ng iyong simbahan upang makilahok sa iyong mensahe at ibahagi sa iba. Libre, hindi na kailangang gumamit ng papel, at agarang naka-install na sa milyon-milyong mga devices.

move down

Tulungan ang iyong komunidad na matuto nang higit pa mula sa iyong mga mensahe.

Ang mga dumadalo ay maaaring sumabay, magbasa ng Salita ng Diyos, magtala, at itabi ang kanilang sariling kopya sakaling kailanganin nila ito.

move down

Ang iyong nilalaman sa kani-kanilang mga smartphone.

Mga balangkas ng mga mensahe, anunsyo, mga link sa pagbibigay... anuman ang iyong kailangan upang ipabatid sa inyong simbahan, ibahagi lahat dito — 100% libre.

move down

Tulungan mo pang mas mapalapit ang mga tao sa Biblia.

Magmungkahi ng mga Babasahing Gabay at mga Debosyonal na patuloy na magkokonekta sa inyong komunidad sa Banal na Kasulatan sa buong linggo.

move down

Ang makapangyarihan ay hindi nangangahulugang kumplikado.

Madali lang gumawa ng mga Kaganapan mula sa anumang web-connected Mac o PC. Kailangan lang i-drag-at-drop ang bawat detalye ng iyong Kaganapan sa mga nakalaang puwang, ayusin, i-edit, at pagandahin habang isinasaayos.

Lahat ng mga sangkap na kakailanganin mo... sa paggawa ng mga tumpak na Kaganapan na gusto mo.

Sandali at madali lang gawin gamit ang mga madaling-ibagay na module. Pagsamahin ang mga bagong sangkap sa paggawa ng mga panibagong Kaganapan. O gamitin ulit ang mga dating Kaganapan at isaayos lang nang kinakailangan. Maaari pang kopyahin ang mga kasalukuyang Kaganapan at isaayos nang bahagya nang lubos na maibagay sa iba't ibang uri ng pagtitipon. Habang ginagawa, gamitin ang Preview upang masilip ang makikita ng mga nakikilahok.

Text Module Module ng Teksto

Mga balangkas, pangunahing kaisipan, mga tanong para sa pagtatalakay... Ibahagi ang kahit na anong sangkap na teksto na makakatulong na masundan ang iyong mensahe ng mga nakikilahok.

Bible References Mga Sanggunian sa Biblia

Ipakita ang mga sipi kung saan mo mismo tinutukoy ang mga ito sa iyong mensahe, na naka-link sa anumang 1200 +na salin ng Bible App, sa 900+ mga wika —hindi na kailangang i-copy at paste.

Reading Plans Module Module ng Mga Babasahing Gabay

Ang mga link sa mga Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa iyong mga punto ng pagtuturo, na tumutulong sa iyong mga tagapakinig na patuloy na makilahok sa Salita ng Diyos sa buong linggo.

External Links Module ng Web Links

Ilapit ang iyong mga tagapakinig sa isang tapik upang magbigay online, mag-boluntaryo o makita ang home page ng inyong simbahan. Maglagay ng link sa anumang panlabas na website sa loob mismo ng iyong Kaganapan.

Image Module Module ng larawan

Bigyang-buhay ang iyong Kaganapan sa pamamagitan ng mga larawan, litrato, mga Bersikulong Larawan at iba pa. Madaling maibabahagi ng mga manlalahok ang mga images mula sa iyong Kaganapan sa kanilang mga social media accounts, nang lalong maikalat sa maraming iba pa.

Announcement Module Module para sa Patalastas

Ipamahagi ang lahat ng iyong mga napapanahon at mahalagang kaganapan: balita sa simbahan, mga nalalapit na kaganapan, programa, klase, mga gawaing boluntaryo at misyon, at iba pa, sa madaling paraan.

Multiple Locations Lokasyon at Oras

Ipaalam sa mga tao kung saan at kailan mangyayari ang iyong Kaganapan - maski Mga Kaganapan na mangyayari sa maraming pagkakaton at mga lokasyon.

Duplicate Events Kopyahin ang mga Kaganapan

Magtipid ng oras at pagsisikap. Mabilis na lumikha ng mga bagong Kaganapan sa pamamagitan ng pagkopya ng mga lumang kaganapan at pag-update ng mga ito gamit ang mga bagong impormasyon.

Cost Savings Cost Savings

Magtipid ng pera sa paglimbag at gumamit ng mas kaunting papel… kahit na nakikipag-ugnayan ka sa mga tao sa isang platform na may higit sa 200 milyong install.

piggy-bank-image
Ang pangkaraniwang simbahan ay gumagastos ng PhP 500,000 kada taon
sa pagimprenta ng mga bulletin. Tinutulungan ka ng mga Kaganapan na bawasan o
tanggalin ang mga gastos na iyon.

Mga Pagpapatunay

Bill White

"Kami ay nasasabik na ipatupad ang YouVersion sa aming ministeryo, lalo na ang bahagi ng Mga Kaganapan, kung saan inilalagay namin ang mga tala sa pagtuturo at komento sa bawat linggo. Pinapahalagahan ng aming mga tao ang pagkakaroon ng mga tala sa kani-kanilang mga kamay, pagbabahagi ng mga ito, at pag-save ng mga ito. Nakapaglaan kami ng libu-libong piso sa iba pang mga pangangailangan sa ministeryo sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga nakalimbag na programa!"

Pastor Bill White
Christ Journey Church

Herbert

"Ang Mga Kaganapan ng YouVersion ay isang mahalagang sanggunian para sa aming pamayanan ng simbahan. Ang kakayahang sundin ng aming mga tao kasama ang mga tala ng sermon at Kasulatan sa panahon ng aming mga mensahe ay lumilikha ng malakas na pakikipag-ugnayan at epekto."

Pastor Herbert Cooper
People’s Church

Cindy Beall

"Ginagamit namin ang Mga Kaganapan para sa lahat ng aming mga sesyon, na nagpapahintulot sa aming madla na magkaroon ng mga tala at Kasulatan mula sa mga tagapagsalita na nasa harapan mismo nila. Nakatipid kami sa pamamagitan ng Mga Kaganapan sa paglimbag ng libu-libong pahina! Ang pag-set up ng isang Kaganapan ay hindi kapani-paniwalang madali, at laging nailalathala sa eksaktong oras na kailangan namin ito."

Cindy Beall
Leading and Loving It
Director of Equip

bible icon

Ang Mga Kaganapan ay bagong-bago, libre, at makikita lamang sa Bible App.

A revolution in Bible engagement is taking place within our lifetimes. Installed on more than 220 million unique devices so far (and counting), the Bible App is helping people in every country on earth connect more with God’s Word. And now, through Events, we’re happy to offer the reach of that platform to you.

Hayaan mong tulungan ka naming magsimula.

Ihanda ang iyong unang Kaganapan na ibahagi sa Bible App nang wala pang sampung minuto. Kailangan mo lamang ng isang Mac o PC at isang libreng YouVersion account.

Lumikha ng Bagong Kaganapan