Mga Awit 23:1-4
Mga Awit 23:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang; pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan. Pinapanumbalik ang aking kalakasan, at pinapatnubayan niya sa tamang daan, upang aking parangalan ang kanyang pangalan. Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.
Mga Awit 23:1-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ang PANGINOON ang aking pastol, hindi ako magkukulang ng anuman. Pinagpapahinga niya ako sa malagong damuhan, inaakay niya ako patungo sa tahimik na batisan. Binibigyan niya ako ng panibagong kalakasan. Pinapatnubayan niya ako sa tamang daan, upang siyaʼy aking maparangalan. Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, hindi ako matatakot dahil kayoʼy aking kasama. Ang inyong pamalo at tungkod ang sa akiʼy umaaliw.
Mga Awit 23:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Ang Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan. Kaniyang pinahihiga ako sa sariwang pastulan: pinapatnubayan niya ako sa siping ng mga tubig na pahingahan, Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa: pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran alangalang sa kaniyang pangalan. Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin: ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.
Mga Awit 23:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang; pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan. Pinapanumbalik ang aking kalakasan, at pinapatnubayan niya sa tamang daan, upang aking parangalan ang kanyang pangalan. Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.
Mga Awit 23:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan. Kaniyang pinahihiga ako sa sariwang pastulan: Pinapatnubayan niya ako sa siping ng mga tubig na pahingahan, Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa: Pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran alangalang sa kaniyang pangalan. Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, Wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin: Ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.




