Lucas 12:20-21
Lucas 12:20-21 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal! Sa gabi ring ito'y babawian ka na ng buhay. Kanino ngayon mapupunta ang mga inilaan mo para sa iyong sarili?’ Ganyan ang sasapitin ng sinumang nag-iipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos.”
Lucas 12:20-21 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal! Ngayong gabi ay babawiin ko sa iyo ang buhay mo. Kanino ngayon mapupunta ang lahat ng inipon mo para sa iyong sarili?’ “Ganyan ang mangyayari sa taong nagpapayaman ng sarili ngunit mahirap sa paningin ng Diyos.”
Lucas 12:20-21 Ang Biblia (TLAB)
Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Dios, Ikaw na haling, hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong kaluluwa; at ang mga bagay na inihanda mo, ay mapapa sa kanino kaya? Gayon nga ang nagpapakayaman sa ganang kaniyang sarili, at hindi mayaman sa Dios.
Lucas 12:20-21 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal! Sa gabi ring ito'y babawian ka na ng buhay. Kanino ngayon mapupunta ang mga inilaan mo para sa iyong sarili?’ Ganyan ang sasapitin ng sinumang nag-iipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos.”
Lucas 12:20-21 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)