Jeremias 30:5-7
Jeremias 30:5-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Narinig ko ang sigaw ng isang takot na takot, ng isang nasindak at walang kapayapaan. Isipin mong mabuti: Maaari bang manganak ang isang lalaki? Bakit hawak-hawak ng bawat lalaki ang kanyang tiyan, tulad ng isang babaing manganganak? Bakit namumutla ang kanilang mga mukha? Nakakatakot ang araw na iyon. Wala itong katulad; ito'y panahon ng paghihirap para kay Jacob, ngunit siya'y makakaligtas.
Jeremias 30:4-7 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ito pa ang sinabi ng PANGINOON tungkol sa Israel at Juda: “Maririnig ang hiyawan ng mga tao hindi dahil sa tuwa kundi sa matinding takot. May itatanong ako sa inyo. Maaari bang manganak ang lalaki? Bakit nakikita ko ang mga lalaking namumutla at hawak-hawak ang tiyan na parang babaeng manganganak na? Lubhang nakakatakot kapag dumating na ang araw na iyon, at wala itong katulad. Panahon iyon ng paghihirap ng mga lahi ni Jacob, pero maliligtas sila sa bandang huli sa kalagayang iyon.
Jeremias 30:5-7 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon; Kami ay nangakarinig ng tinig ng panginginig, ng takot, at hindi ng kapayapaan. Kayo'y magtanong ngayon, at inyong tingnan kung ang lalake ay nagdaramdam ng panganganak: bakit aking nakikita ang lahat na lalake na ang mga kamay ay nangasa kaniyang mga balakang na parang babae sa pagdaramdam, at ang lahat na mukha ay naging maputla? Ay! sapagka't ang araw na yaon ay dakila, na anopa't walang gaya niyaon: siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jacob; nguni't siya'y maliligtas doon.
Jeremias 30:5-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Narinig ko ang sigaw ng isang takot na takot, ng isang nasindak at walang kapayapaan. Isipin mong mabuti: Maaari bang manganak ang isang lalaki? Bakit hawak-hawak ng bawat lalaki ang kanyang tiyan, tulad ng isang babaing manganganak? Bakit namumutla ang kanilang mga mukha? Nakakatakot ang araw na iyon. Wala itong katulad; ito'y panahon ng paghihirap para kay Jacob, ngunit siya'y makakaligtas.
Jeremias 30:5-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)