Mga Hukom 16:6 - Compare All Versions
Mga Hukom 16:6 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Kaya't sinabi ni Delilah kay Samson, “Sabihin mo naman sa akin kung saan nanggagaling ang iyong lakas. Paano ka ba maigagapos at madadaig?”
Mga Hukom 16:6 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Kaya tinanong ni Delaila si Samson. Sinabi niya, “Ipagtapat mo sa akin ang sekreto ng lakas mo. Kung may gagapos o huhuli sa iyo, paano niya ito gagawin?”
Mga Hukom 16:6 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kaya't sinabi ni Delilah kay Samson, “Sabihin mo naman sa akin kung saan nanggagaling ang iyong lakas. Paano ka ba maigagapos at madadaig?”
Mga Hukom 16:6 TLAB (Ang Biblia)
At sinabi ni Dalila kay Samson, Saysayin mo sa akin, isinasamo ko sa iyo, kung saan naroon ang iyong dakilang kalakasan, at kung paanong matatalian ka upang pighatiin ka.
Mga Hukom 16:6 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
At sinabi ni Dalila kay Samson, Saysayin mo sa akin, isinasamo ko sa iyo, kung saan naroon ang iyong dakilang kalakasan, at kung paanong matatalian ka upang pighatiin ka.