Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Hebreo 5:7-14 - Compare All Versions

Mga Hebreo 5:7-14 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Noong si Jesus ay namumuhay pa rito sa lupa, siya'y nanalangin at lumuluhang nakiusap sa Diyos na makakapagligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig siya ng Diyos dahil lubusan siyang nagpakumbabá. Kahit na siya'y Anak ng Diyos, natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod sa pamamagitan ng pagtitiis. At nang siya'y maging ganap, siya'y naging walang hanggang Tagapagligtas ng lahat ng mga sumusunod sa kanyang kalooban. Minarapat ng Diyos na siya'y gawing Pinakapunong Pari ayon sa pagkapari ni Melquisedec. Marami pa kaming masasabi tungkol sa bagay na ito, ngunit mahirap ipaliwanag sa inyo sapagkat napakabagal ninyong umunawa. Dapat sana'y mga tagapagturo na kayo, subalit hanggang ngayo'y kailangan pa kayong turuan ng mga panimulang aralin tungkol sa mga Salita ng Diyos. Dapat sana'y kumakain na kayo ng matigas na pagkain ngunit hanggang ngayon, gatas pa lamang ang inyong kaya. Ang sanggol pa ay nabubuhay sa gatas at kulang pa ang kaalaman sa salita ng katuwiran. Ang matigas na pagkain ay para sa may sapat na gulang at marunong nang kumilala ng mabuti't masama.

Mga Hebreo 5:7-14 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Noong nabubuhay pa si Hesus sa mundong ito, umiiyak siyang nanalangin at nagmakaawa sa Diyos na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan, at dininig siya dahil mapagpakumbaba siyang sumusunod sa kalooban ng Diyos. At kahit Anak siya mismo ng Diyos, natutunan niya ang pagiging masunurin dahil sa mga hirap na dinanas niya. At nang siyaʼy maging ganap, siya ang pinagmulan ng walang hanggang kaligtasan ng lahat ng sumusunod sa kanya, at itinalaga siya ng Diyos na maging punong pari, ayon sa pagkapari ni Melquizedec. Marami pa sana kaming sasabihin tungkol sa mga bagay na ito, ngunit mahirap itong ipaliwanag sa inyo dahil ayaw ninyong umunawa. Dapat sanaʼy mga tagapagturo na kayo ngayon dahil matagal na kayo sa pananampalataya, ngunit hanggang ngayoʼy kailangan pa kayong turuan ng mga panimulang aralin tungkol sa salita ng Diyos. Katulad pa rin kayo ng mga sanggol na nangangailangan ng gatas dahil hindi pa ninyo kaya ang matigas na pagkain. Sapagkat ang taong sa gatas nabubuhay ay tulad ng sanggol na hindi alam kung paano mamuhay nang matuwid. Ngunit ang mga taong matigas na pagkain ang kinakain ay tulad ng taong nasa sapat na gulang, at sinanay ang isip na alamin kung ano ang mabuti at masama.

Mga Hebreo 5:7-14 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Noong si Jesus ay namumuhay pa rito sa lupa, siya'y nanalangin at lumuluhang nakiusap sa Diyos na makakapagligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig siya ng Diyos dahil lubusan siyang nagpakumbabá. Kahit na siya'y Anak ng Diyos, natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod sa pamamagitan ng pagtitiis. At nang siya'y maging ganap, siya'y naging walang hanggang Tagapagligtas ng lahat ng mga sumusunod sa kanyang kalooban. Minarapat ng Diyos na siya'y gawing Pinakapunong Pari ayon sa pagkapari ni Melquisedec. Marami pa kaming masasabi tungkol sa bagay na ito, ngunit mahirap ipaliwanag sa inyo sapagkat napakabagal ninyong umunawa. Dapat sana'y mga tagapagturo na kayo, subalit hanggang ngayo'y kailangan pa kayong turuan ng mga panimulang aralin tungkol sa mga Salita ng Diyos. Dapat sana'y kumakain na kayo ng matigas na pagkain ngunit hanggang ngayon, gatas pa lamang ang inyong kaya. Ang sanggol pa ay nabubuhay sa gatas at kulang pa ang kaalaman sa salita ng katuwiran. Ang matigas na pagkain ay para sa may sapat na gulang at marunong nang kumilala ng mabuti't masama.

Mga Hebreo 5:7-14 TLAB (Ang Biblia)

Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot, Bagama't siya'y Anak, gayon may natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis; At nang siya'y mapaging sakdal, ay siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya; Pinanganlan ng Dios na dakilang saserdote ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. Tungkol sa kaniya'y marami kaming sasabihin, at mahirap na saysayin, palibhasa'y nagsipurol kayo sa pakikinig. Sapagka't nang kayo'y nangararapat nang maging mga guro dahil sa kaluwatan, ay muling kayo'y nangangailangan na kayo'y turuan ninoman ng mga unang simulain ng aral ng Dios; at naging tulad sa mga nangangailangan ng gatas, at hindi ng pagkaing matigas. Sapagka't bawa't tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka't siya'y isang sanggol. Nguni't ang pagkaing matigas ay sa mga may gulang, sa makatuwid ay doon sa mga sa pamamagitan ng pamimihasa ay nangasanay ang kanilang mga pakiramdam, upang makilala ang mabuti at ang masama.

Mga Hebreo 5:7-14 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))