Ezekiel 37:9,14 - Compare All Versions
Ezekiel 37:9 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Sinabi sa akin ni Yahweh, “Ezekiel, anak ng tao, tawagan mo ang hangin sa lahat ng dako. Sabihin mong ipinapasabi ko: Hangin, hingahan mo ang mga patay na ito upang sila'y mabuhay.”
Ezekiel 37:14 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Hihingahan ko kayo upang kayo'y mabuhay, at ibabalik ko kayo sa inyong sariling bayan. Sa gayon, malalaman ninyo na akong si Yahweh ang nagsabi nito at aking gagawin.”
Ezekiel 37:9 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Sinabi sa akin ng PANGINOON, “Anak ng tao, sabihin mo sa hangin na ako, ang Makapangyarihang PANGINOON, ay nagsasabi: Hangin umihip ka mula sa apat na dako, at hipan ang mga patay na ito upang mabuhay.”
Ezekiel 37:14 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Ibibigay ko sa inyo ang aking Espiritu at mabubuhay kayo. Patitirahin ko kayo sa sarili ninyong lupain. At malalaman nga ninyo na ako ang PANGINOON na tumutupad ng aking pangako, sabi ng PANGINOON.”
Ezekiel 37:9 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sinabi sa akin ni Yahweh, “Ezekiel, anak ng tao, tawagan mo ang hangin sa lahat ng dako. Sabihin mong ipinapasabi ko: Hangin, hingahan mo ang mga patay na ito upang sila'y mabuhay.”
Ezekiel 37:14 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Hihingahan ko kayo upang kayo'y mabuhay, at ibabalik ko kayo sa inyong sariling bayan. Sa gayon, malalaman ninyo na akong si Yahweh ang nagsabi nito at aking gagawin.”
Ezekiel 37:9 TLAB (Ang Biblia)
Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Manghula ka sa hangin, manghula ka, anak ng tao, at sabihin mo sa hangin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Manggaling ka sa apat na hangin, Oh hinga, at humihip ka sa mga patay na ito, upang sila'y mangabuhay.
Ezekiel 37:14 TLAB (Ang Biblia)
At aking ilalagay ang aking Espiritu sa inyo, at kayo'y mangabubuhay, at aking ilalagay kayo sa inyong sariling lupain, at inyong mangalalaman na akong Panginoon ang nagsalita, at nagsagawa, sabi ng Panginoon.
Ezekiel 37:9 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Manghula ka sa hangin, manghula ka, anak ng tao, at sabihin mo sa hangin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Manggaling ka sa apat na hangin, Oh hinga, at humihip ka sa mga patay na ito, upang sila'y mangabuhay.
EZEKIEL 37:14 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))