Deuteronomio 24:16 - Compare All Versions
Deuteronomio 24:16 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
“Hindi dapat parusahan ng kamatayan ang mga magulang dahil sa krimeng nagawa ng anak ni ang anak dahil sa krimeng nagawa ng magulang; ang mismong may sala lamang ang siyang dapat patayin.
Deuteronomio 24:16 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Hindi dapat patayin ang magulang dahil sa kasalanan ng kanilang mga anak, o ang mga anak dahil sa kasalanan ng kanilang magulang; papatayin lamang ang tao dahil sa sarili niyang kasalanan.
Deuteronomio 24:16 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Hindi dapat parusahan ng kamatayan ang mga magulang dahil sa krimeng nagawa ng anak ni ang anak dahil sa krimeng nagawa ng magulang; ang mismong may sala lamang ang siyang dapat patayin.
Deuteronomio 24:16 TLAB (Ang Biblia)
Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan.
Deuteronomio 24:16 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan.