Mga Gawa 4:1-3
Mga Gawa 4:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nagsasalita pa sina Pedro at Juan sa mga taong bayan nang dumating ang mga paring Judio, ang kapitan ng mga bantay sa Templo at ang mga Saduseo. Galit na galit sila sa dalawang apostol dahil ipinapangaral nila sa mga tao na si Jesus ay muling nabuhay, at iyon ang katibayan na muling mabubuhay ang mga patay. Kaya't dinakip nila ang dalawa, at ikinulong muna hanggang kinabukasan sapagkat gabi na noon.
Mga Gawa 4:1-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Habang nagsasalita pa sina Pedro at Juan sa mga tao, nilapitan sila ng mga pari, ng kapitan ng mga guwardiya sa Templo, at ng mga Saduceo. Lubhang nayamot ang mga ito dahil nangangaral ang dalawa na muling nabuhay si Hesus, at itoʼy nagpapatunay na muling mabubuhay ang mga patay. Kaya dinakip nila sina Pedro at Juan, at dahil gabi na, ikinulong muna sila pansamantala hanggang mag-umaga.
Mga Gawa 4:1-3 Ang Biblia (TLAB)
At nang sila'y nangagsasalita pa sa bayan, ay nagsilapit sa kanila ang mga saserdote, at ang puno sa templo, at ang mga Saduceo, Palibhasa'y totoong nangabagabag sapagka't tinuruan nila ang bayan, at ibinalita sa pangalan ni Jesus ang pagkabuhay na maguli sa mga patay. At sila'y kanilang sinunggaban at kanilang ibinilanggo hanggang sa kinabukasan: sapagka't noon nga'y gabi na.
Mga Gawa 4:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nagsasalita pa sina Pedro at Juan sa mga taong bayan nang dumating ang mga paring Judio, ang kapitan ng mga bantay sa Templo at ang mga Saduseo. Galit na galit sila sa dalawang apostol dahil ipinapangaral nila sa mga tao na si Jesus ay muling nabuhay, at iyon ang katibayan na muling mabubuhay ang mga patay. Kaya't dinakip nila ang dalawa, at ikinulong muna hanggang kinabukasan sapagkat gabi na noon.
Mga Gawa 4:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)