1 Pedro 3:13-16
1 Pedro 3:13-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
At sino naman ang gagawa sa inyo ng masama kung wala kayong hinahangad kundi pawang kabutihan? At sakali mang usigin kayo dahil sa paggawa ng mabuti, mapalad pa rin kayo! Huwag ninyong katakutan ang kanilang kinatatakutan at huwag kayong padadala sa kanila. Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso at sambahin ninyo siya bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa na nasa inyo. Ngunit maging mahinahon at magalang kayo sa inyong pagpapaliwanag. Bilang mga lingkod ni Cristo, panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga nanlalait at humahamak sa inyong magandang pag-uugali.

1 Pedro 3:13-16 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sino ang mananakit sa inyo kung masigasig kayong gumagawa ng mabuti? Ngunit kahit na maghirap kayo dahil sa paggawa ng tama, mapalad kayo. Kaya “huwag kayong matakot sa kanila at huwag kayong kabahan.” Alalahanin nʼyong si Kristo ang dapat ninyong parangalan ng buong puso at sundin bilang Panginoon. Dapat palagi kayong handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa ninyo. At maging mahinahon at magalang kayo sa inyong pagsagot. Tiyakin ninyong laging malinis ang inyong konsensiya, upang mapahiya ang mga taong minamasama ang mabubuti ninyong gawa bilang mga alagad ni Kristo.
1 Pedro 3:13-16 Ang Biblia (TLAB)
At sino ang sa inyo ay aapi, kung kayo'y mapagmalasakit sa mabuti? Datapuwa't kung mangagbata kayo ng dahil sa katuwiran ay mapapalad kayo: at huwag kayong mangatakot sa kanilang pangtakot, o huwag kayong mangagulo; Kundi inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso: na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, nguni't sa kaamuan at takot: Na taglay ang mabuting budhi; upang, sa mga bagay na salitain laban sa inyo, ay mangapahiya ang nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng pamumuhay kay Cristo.
1 Pedro 3:13-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
At sino naman ang gagawa sa inyo ng masama kung wala kayong hinahangad kundi pawang kabutihan? At sakali mang usigin kayo dahil sa paggawa ng mabuti, mapalad pa rin kayo! Huwag ninyong katakutan ang kanilang kinatatakutan at huwag kayong padadala sa kanila. Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso at sambahin ninyo siya bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa na nasa inyo. Ngunit maging mahinahon at magalang kayo sa inyong pagpapaliwanag. Bilang mga lingkod ni Cristo, panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga nanlalait at humahamak sa inyong magandang pag-uugali.
1 Pedro 3:13-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)