Sapagkat ipinapakita ng Magandang Balita kung paano ginagawang matuwid ng Diyos ang isang tao; at ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya buhat sa simula hanggang sa wakas. Tulad ng sinasabi sa Kasulatan, “Ang itinuring na matuwid ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.” Nahahayag mula sa langit ang poot ng Diyos laban sa lahat ng kalapastanganan at kasamaan ng mga taong dahil mismo sa kanilang kasamaan ay hinahadlangan ang katotohanan. Sapagkat ang maaaring malaman tungkol sa Diyos ay maliwanag, dahil iyon ay ipinapahayag sa kanila ng Diyos. Mula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, ang kanyang likas na hindi nakikita, ang kanyang kapangyarihang walang hanggan at ang kanyang pagka-Diyos, ay maliwanag na inihahayag ng kanyang mga ginawa. Kaya't wala na silang maidadahilan pa. Kahit na alam nilang may Diyos, siya'y hindi nila pinarangalan bilang Diyos, ni pinasalamatan man lang. Sa halip, naghaka-haka sila ng mga bagay na walang kabuluhan kaya't nagdilim ang hangal nilang pag-iisip. Sila'y nagmamarunong ngunit lumitaw na sila'y mga hangal. Tinalikuran nila ang kaluwalhatian ng Diyos na walang kamatayan, at ang sinamba nila'y mga larawan ng mga taong may kamatayan, ng mga ibon, ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga hayop na gumagapang.
Basahin Mga Taga-Roma 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Taga-Roma 1:17-23
5 Araw
Sapat ba ang ating lakas kapag sinubok ang ating pananampalataya? Gaano tayo katatag? Papasahan ba natin ang pagsubok sa ating pananampalataya? Ang debosyonal na ito ay makakatulong sa atin na maunawaan ang kahulugan ng Pagsubok ng Pananampalataya. Mapasahan nawa nating lahat ang bawat pagsubok ng pananampalataya na nangyayari sa ating buhay.
7 Araw
Ang debosyonal na ito ay magpapasariwa at magbibigay sa atin ng bagong paghahayag tungkol sa tunay na pananampalataya kay Kristo. Sa pamamagitan ng seryeng debosyonal na "Paglalakad na Kasama ni Hesus," matututo tayong maging mga mananampalataya na lumalago araw-araw sa pamamagitan ng salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas