MGA KAWIKAAN 31:7-12
MGA KAWIKAAN 31:7-12 ABTAG01
hayaan silang uminom at lumimot sa kanilang kahirapan, at huwag nang alalahanin pa ang kanilang kasawian. Buksan mo ang iyong bibig alang-alang sa pipi, para sa karapatan ng lahat ng naiwang walang kandili. Buksan mo ang iyong bibig, humatol ka nang may katuwiran, at ipagtanggol mo ang karapatan ng dukha at nangangailangan. Sinong makakatagpo ng isang butihing babae? Sapagkat siya'y higit na mahalaga kaysa mga batong rubi. Ang puso ng kanyang asawa, sa kanya'y nagtitiwala, at siya'y hindi kukulangin ng mapapala. Gumagawa siya ng mabuti sa kanya at hindi kasamaan sa lahat ng mga araw ng kanyang buhay.


