MGA KAWIKAAN 31:25-31
MGA KAWIKAAN 31:25-31 ABTAG01
Kalakasan at dangal ang kanyang kasuotan, at ang panahong darating ay kanyang tinatawanan. Binubuka niya ang kanyang bibig na may karunungan; at nasa kanyang dila ang aral ng kabaitan. Kanyang tinitingnang mabuti ang mga lakad ng kanyang sambahayan, at hindi siya kumakain ng tinapay ng katamaran. Tumatayo ang kanyang mga anak, at tinatawag siyang mapalad; gayundin ang kanyang asawa, at kanyang pinupuri siya: “Maraming anak na babae ang nakagawa ng kabutihan, ngunit silang lahat ay iyong nahigitan.” Ang alindog ay madaya, at ang ganda ay walang kabuluhan, ngunit ang babaing natatakot sa PANGINOON ay papupurihan. Bigyan siya ng bunga ng kanyang mga kamay, at purihin siya ng kanyang mga gawa sa mga pintuang-bayan.




