MGA KAWIKAAN 31:13-18
MGA KAWIKAAN 31:13-18 ABTAG01
Siya'y humahanap ng balahibo ng tupa at lino, at kusang-loob ang kanyang mga kamay ay nagtatrabaho. Siya'y gaya ng mga sasakyang dagat ng mangangalakal, nagdadala siya ng kanyang pagkain mula sa kalayuan. Siya'y bumabangon samantalang gabi pa, at naghahanda ng pagkain para sa kanyang pamilya, at nagtatakda ng mga gawain sa mga babaing alila niya. Tinitingnan niya ang isang bukid at ito'y binibili niya, sa bunga ng kanyang mga kamay ay nagtatanim siya ng ubasan. Binibigkisan niya ng lakas ang kanyang mga balakang, at pinalalakas ang kanyang mga bisig. Kanyang nababatid na kikita ang kanyang kalakal, ang kanyang ilaw sa gabi ay hindi namamatay.


