Tito 3:4-7
Tito 3:4-7 ASD
Ngunit nang mahayag na ang kagandahang-loob at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas, iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa, kundi dahil sa kanyang awa. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng paghuhugas ng Banal na Espiritu upang tayoʼy ipanganak muli at magkaroon ng bagong buhay. Masaganang ibinigay sa atin ng Diyos ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ni Hesu-Kristo na ating Tagapagligtas, upang sa kanyang kagandahang-loob ay maituring tayong matuwid at makamtan natin ang buhay na walang hanggan na ating inaasahan.



