Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Roma 12:3-13

Mga Taga-Roma 12:3-13 ASD

Sapagkat dahil sa biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo: Huwag ninyong pahalagahan nang higit sa nararapat ang inyong sarili. Sa halip, suriin ninyong mabuti ang inyong kakayahan ayon sa pananampalatayang ibinigay ng Diyos sa inyo. Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at ang bawat bahagi ay may kanya-kanyang gawain, ganoon din tayong mga mananampalataya. Kahit na marami tayo, iisang katawan lang tayo kay Kristo, at magkakaugnay tayo sa isaʼt isa. Ibaʼt iba ang kakayahang ibinigay sa atin ng Diyos ayon sa kanyang biyaya, kaya gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung ang ipinagkaloob sa isang tao ay pagpapahayag ng salita ng Diyos, kailangang ipahayag niya ito ayon sa kanyang pananampalataya. Kung ang ipinagkaloob sa kanya ay paglilingkod, maglingkod siya. Kung pagtuturo, magturo siya; kung pagpapalakas-loob, magpalakas siya nang loob; kung pagbibigay, magbigay siya nang bukas-palad; kung pamumuno, mamuno siya nang buong sikap; at kung pagtulong sa nangangailangan, tumulong siya nang may kagalakan. Magmahalan kayo nang tunay. Iwasan ninyo ang masama at laging gawin ang mabuti. Magmahalan kayo bilang magkakapatid kay Kristo at maging magalang sa isaʼt isa. Huwag kayong maging tamad kundi magpakasipag at buong sikap na maglingkod sa Panginoon. At dahil may pag-asa kayo sa buhay, magalak kayo. Magtiis kayo sa mga paghihirap at laging manalangin. Tulungan ninyo ang mga hinirang ng Diyos na nangangailangan, at patuluyin ninyo sa inyong mga tahanan ang walang matutuluyan.

Bersikulong Larawan para sa Mga Taga-Roma 12:3-13

Mga Taga-Roma 12:3-13 - Sapagkat dahil sa biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo: Huwag ninyong pahalagahan nang higit sa nararapat ang inyong sarili. Sa halip, suriin ninyong mabuti ang inyong kakayahan ayon sa pananampalatayang ibinigay ng Diyos sa inyo. Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at ang bawat bahagi ay may kanya-kanyang gawain, ganoon din tayong mga mananampalataya. Kahit na marami tayo, iisang katawan lang tayo kay Kristo, at magkakaugnay tayo sa isaʼt isa. Ibaʼt iba ang kakayahang ibinigay sa atin ng Diyos ayon sa kanyang biyaya, kaya gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung ang ipinagkaloob sa isang tao ay pagpapahayag ng salita ng Diyos, kailangang ipahayag niya ito ayon sa kanyang pananampalataya. Kung ang ipinagkaloob sa kanya ay paglilingkod, maglingkod siya. Kung pagtuturo, magturo siya; kung pagpapalakas-loob, magpalakas siya nang loob; kung pagbibigay, magbigay siya nang bukas-palad; kung pamumuno, mamuno siya nang buong sikap; at kung pagtulong sa nangangailangan, tumulong siya nang may kagalakan.

Magmahalan kayo nang tunay. Iwasan ninyo ang masama at laging gawin ang mabuti. Magmahalan kayo bilang magkakapatid kay Kristo at maging magalang sa isaʼt isa. Huwag kayong maging tamad kundi magpakasipag at buong sikap na maglingkod sa Panginoon. At dahil may pag-asa kayo sa buhay, magalak kayo. Magtiis kayo sa mga paghihirap at laging manalangin. Tulungan ninyo ang mga hinirang ng Diyos na nangangailangan, at patuluyin ninyo sa inyong mga tahanan ang walang matutuluyan.