Salmo 8
ASND
8
Salmo 8#8 Salmo 8 Ang unang mga salita sa Hebreo: Awit na isinulat ni David. Para sa pinuno ng mga mang-aawit: Tugtugin ang instrumentong “gittith.”
Ang Kadakilaan ng Dios ay Makikita sa Buong Sanlibutan
1O Panginoon, aming Panginoon, ang kadakilaan ng inyong pangalan ay makikita sa buong mundo,
at ipinakita nʼyo ang inyong kaluwalhatian hanggang sa kalangitan.
2Kahit mga bata at sanggol ay nagpupuri sa inyo,
kaya napapahiya at tumatahimik ang inyong mga kaaway.
3Kapag tumitingala ako sa langit na inyong nilikha,
at aking pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa kanilang kinalalagyan,
4akoʼy nagtatanong, ano ba ang tao upang inyong alalahanin?
Sino nga ba siya upang inyong kalingain?
5Ginawa nʼyo kaming mababa ng kaunti sa mga anghel.
Ngunit pinarangalan nʼyo kami na parang mga hari.
6Ipinamahala nʼyo sa amin ang inyong mga nilalang,
at ipinasailalim sa amin ang lahat ng bagay:
7mga tupa, mga baka at lahat ng mga mababangis na hayop,
8ang mga ibon sa himpapawid, mga isda sa dagat at lahat ng naroroon.
9O Panginoon, aming Panginoon, ang kadakilaan ng inyong pangalan ay makikita sa buong mundo.

Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)

Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®

Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.

Matuto nang Higit Pa Tungkol sa Ang Salita ng Dios