Kawikaan 31:7-12
Kawikaan 31:7-12 ASD
upang makalimutan nila ang kanilang mga kasawian at kahirapan. Ipagtanggol mo ang karapatan ng mga taong kahabag-habag, na hindi maipagtanggol ang kanilang mga sarili. Humatol ka nang walang kinikilingan, at ipagtanggol ang karapatan ng mga mahihirap at nangangailangan. Mahirap hanapin ang mabuting asawa. Higit pa sa mamahaling alahas ang kanyang halaga. Lubos ang tiwala sa kanya ng kanyang asawa, at wala na itong mahihiling pa sa kanya. Kabutihan at hindi kasamaan ang ginagawa niya sa kanyang asawa habang siya ay nabubuhay.


