11
Ang mga Naninirahan sa Jerusalem
1Nang panahong iyon, ang mga pinuno ng mga mamamayan ay nakatira sa Jerusalem, ang banal na lungsod. Nagpalabunutan ang mga tao para sa bawat sampung pamilya ay may isang pamilyang maninirahan sa Jerusalem, habang ang ibaʼy mananatili sa mga bayan nila. 2Pinuri ng mga tao ang lahat ng nagpasyang tumira sa Jerusalem.
3Ang ibang mga Israelita, pati mga pari, mga Levita, mga tagapaglingkod sa Templo, at ang mga angkan ng mga alipin ni Solomon ay patuloy na nakatira sa kanilang sariling mga lupain sa ibaʼt ibang mga bayan ng Juda. 4Ang ibang mga mamamayan ng Juda at Benjamin ay nakatira sa Jerusalem.
Ito ang mga pinuno ng mga probinsya ng Juda at Benjamin na nakatira sa Jerusalem.
Mula sa lahi ni Juda:
si Ataias na anak ni Uzias (si Uzias ay anak ni Zacarias; si Zacarias ay anak ni Amaria; si Amaria ay anak ni Sefatias; at si Sefatias ay anak ni Mahalalel na mula sa angkan ni Peres); 5si Maaseias na anak ni Baruc (si Baruc ay anak ni Colhoze; si Colhoze ay anak ni Hazaias; si Hazaias ay anak ni Adaias; si Adaias ay anak ni Joiarib; at si Joiarib ay anak ni Zacarias na mula sa angkan ni Shela; 6sa mga angkan ni Peres, 468 matatapang na lalaki na nakatira rin sa Jerusalem).
7Mula sa lahi ni Benjamin:
si Salu na anak ni Mesulam (si Mesulam ay anak ni Joed; si Joed ay anak ni Pedaias; si Pedaias ay anak ni Kolaias; si Kolaias ay anak ni Maaseias; si Maaseias ay anak ni Itiel; at si Itiel ay anak ni Jesaias); 8ang sumunod kay Salu ay sina Gabai at Salai, at ang 928 kamag-anak nila.
9Si Joel na anak ni Zicri ang pinakapinuno nila at si Juda na anak ni Hesenua ang ikalawa sa kanyang namamahala ng lungsod.
10Mula sa mga Pari:
si Jedaias na anak ni Joiarib, si Jaquin, 11at si Seraias na anak ni Hilkias (si Hilkias ay anak ni Mesulam; si Mesulam ay anak ni Sadoc; si Sadoc ay anak ni Meraiot; at si Meraiot ay anak ni Ahitob na namamahala sa bahay ng Diyos); 12ang 822 lalaking kasama nilang nagpapagal sa templo; si Adaias na anak ni Jeroham (si Jeroham ay anak ni Pelalias; si Pelalias ay anak ni Amzi; si Amzi ay anak ni Zacarias; si Zacarias ay anak ni Pashur; at si Pashur ay anak ni Malquias); 13ang mga kasama ni Adaias na 242 lalaking pinuno ng mga pamilya; si Amasai na anak ni Azarel (si Azarel ay anak ni Azai; si Azai ay anak ni Mesilemot; at si Mesilemot ay anak ni Imer); 14at ang mga kasama ni Amasai na 128 matatapang na lalaki. Si Zabdiel na anak ni Hagedolim ang pinakapinuno nila.
15Mula sa mga Levita:
si Semaias na anak ni Hasub (si Hasub ay anak ni Azrikam; si Azrikam ay anak ni Hashabias; at si Hashabias ay anak ni Buni); 16si Sabetai at si Jozabad na dalawang pinuno ng mga Levita, mga katiwalang namamahala sa mga gawain sa labas ng bahay ng Diyos; 17si Matanias na anak ni Mica (si Mica ay anak ni Zabdi, at si Zabdi ay anak ni Asaf). Si Matanias ang nangunguna sa mga mang-aawit na umaawit ng pananalangin at pasasalamat. Si Bacbuquias na kasama ni Matanias; si Abda na anak ni Samua (si Samua ay anak ni Galal, at si Galal ay anak ni Jedutun).
18May 248 lahat ang mga Levita na nakatira sa banal na lungsod.
19Mula sa mga tagapagbantay ng mga pintuan:
si Akub at si Talmon, at ang mga kasama nilang 172 lalaking tagapagbantay ng pintuan ng Templo.
20Ang ibang mga Israelita, pati ang mga pari at mga Levita ay nakatira sa mga lupaing minana nila sa kanilang mga ninuno sa ibaʼt ibang mga bayan ng Juda.
21Ngunit ang mga tagapaglingkod sa Templo na pinangungunahan nina Ziha at Gispa ay doon tumira sa bulubundukin ng Ofel.
22Ang pinakapinuno ng mga Levita sa Jerusalem ay si Uzi na anak ni Bani na anak ni Hasabias; si Hasabias ay anak ni Matanias na anak ni Mica. Si Uzi ay isa sa mga angkan ni Asaf na mang-aawit sa bahay ng Diyos. 23Ang hari ang nag-uutos sa kanila tungkol sa mga gagawin nila sa bawat araw.
24Si Petahias na anak ni Mesezabel, na isa sa mga angkan ni Zera na anak ni Juda, ang kinatawan ng hari sa bayan sa lahat ng mga bagay na patungkol sa mga tao.
25Ang ibang mga mamamayan ng Juda ay nakatira sa mga bayan na malapit sa mga lupain nila. Ang iba sa kanila ay nakatira sa Kiriat-arba, Dibon, Jekabzeel, at sa mga nayon sa paligid ng mga bayang ito. 26Ang iba sa kanila ay nakatira sa Jeshua, Molada, Bet-pelet, 27Hazar-sual, Beer-seba, at sa mga nayon sa palibot nito. 28Mayroon ding nakatira sa Ziklag, sa Mecona, at sa mga nayon sa paligid nito, 29sa En-rimon, Zora, Jarmut, 30Zanoa, Adulam, at sa mga nayon sa paligid ng mga bayang ito. Ang iba pa sa kanila ay nakatira sa Laquis at sa malalapit na mga sakahan at sa Azeka at sa mga nayon sa paligid nito. Kaya nakatira ang tao sa Juda mula sa Beer-seba sa timog hanggang sa Lambak ng Hinom.
31Ang ibang mga mamamayan ng Benjamin ay nakatira sa Geba, Micmas, Ai, Betel, at sa mga nayon sa paligid nito. 32Ang iba ay nakatira sa Anatot, Nob, Ananias, 33Hazor, Rama, Gitaim, 34Hadid, Zeboim, Nebalat, 35Lod, Ono, at sa Lambak ng mga Manggagawa.
36Ang iba pang mga Levita na nakatira sa Juda ay pinatira kasama ng mga mamamayan ng Benjamin.