Lucas 18:26-30
Lucas 18:26-30 ASD
Tinanong siya ng mga nakarinig nito, “Kung ganoon po, sino na lang ang maliligtas?” Sumagot si Hesus, “Ang imposible sa tao ay posible sa Diyos.” Sinabi ni Pedro, “Paano naman kami? Iniwan namin ang lahat upang sumunod sa inyo.” Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang nag-iwan ng bahay, asawa, mga kapatid, mga magulang, o mga anak alang-alang sa kaharian ng Diyos ay tatanggap sa panahong ito ng mas marami pa kaysa sa mga iniwan niya, at tatanggap din siya ng buhay na walang hanggan sa darating na panahon.”

