Lucas 18:18-23
Lucas 18:18-23 ASD
May isang pinuno ng mga Hudyo na nagtanong kay Hesus, “Mabuting Guro, ano po ang dapat kong gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?” Sumagot si Hesus, “Bakit mo sinasabing mabuti ako? Ang Diyos lang ang mabuti, wala nang iba! Alam mo ang sinasabi ng Kautusan: ‘Huwag kang mangangalunya, huwag kang papatay, huwag kang magnanakaw, huwag kang sasaksi ng kasinungalingan, at igalang mo ang iyong ama at ina.’” Sumagot ang lalaki, “Sinusunod ko po ang lahat ng iyan mula pagkabata.” Nang marinig iyon ni Hesus ay sinabi niya, “Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Ipagbili mo ang lahat ng ari-arian mo at ipamigay mo ang pera sa mga mahihirap, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin.” Nalungkot ang lalaki nang marinig ito, dahil napakayaman niya.

