Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Hebreo 5:7-14

Mga Hebreo 5:7-14 ASD

Noong nabubuhay pa si Hesus sa mundong ito, umiiyak siyang nanalangin at nagmakaawa sa Diyos na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan, at dininig siya dahil mapagpakumbaba siyang sumusunod sa kalooban ng Diyos. At kahit Anak siya mismo ng Diyos, natutunan niya ang pagiging masunurin dahil sa mga hirap na dinanas niya. At nang siyaʼy maging ganap, siya ang pinagmulan ng walang hanggang kaligtasan ng lahat ng sumusunod sa kanya, at itinalaga siya ng Diyos na maging punong pari, ayon sa pagkapari ni Melquizedec. Marami pa sana kaming sasabihin tungkol sa mga bagay na ito, ngunit mahirap itong ipaliwanag sa inyo dahil ayaw ninyong umunawa. Dapat sanaʼy mga tagapagturo na kayo ngayon dahil matagal na kayo sa pananampalataya, ngunit hanggang ngayoʼy kailangan pa kayong turuan ng mga panimulang aralin tungkol sa salita ng Diyos. Katulad pa rin kayo ng mga sanggol na nangangailangan ng gatas dahil hindi pa ninyo kaya ang matigas na pagkain. Sapagkat ang taong sa gatas nabubuhay ay tulad ng sanggol na hindi alam kung paano mamuhay nang matuwid. Ngunit ang mga taong matigas na pagkain ang kinakain ay tulad ng taong nasa sapat na gulang, at sinanay ang isip na alamin kung ano ang mabuti at masama.

Bersikulong Larawan para sa Mga Hebreo 5:7-14

Mga Hebreo 5:7-14 - Noong nabubuhay pa si Hesus sa mundong ito, umiiyak siyang nanalangin at nagmakaawa sa Diyos na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan, at dininig siya dahil mapagpakumbaba siyang sumusunod sa kalooban ng Diyos. At kahit Anak siya mismo ng Diyos, natutunan niya ang pagiging masunurin dahil sa mga hirap na dinanas niya. At nang siyaʼy maging ganap, siya ang pinagmulan ng walang hanggang kaligtasan ng lahat ng sumusunod sa kanya, at itinalaga siya ng Diyos na maging punong pari, ayon sa pagkapari ni Melquizedec.

Marami pa sana kaming sasabihin tungkol sa mga bagay na ito, ngunit mahirap itong ipaliwanag sa inyo dahil ayaw ninyong umunawa. Dapat sanaʼy mga tagapagturo na kayo ngayon dahil matagal na kayo sa pananampalataya, ngunit hanggang ngayoʼy kailangan pa kayong turuan ng mga panimulang aralin tungkol sa salita ng Diyos. Katulad pa rin kayo ng mga sanggol na nangangailangan ng gatas dahil hindi pa ninyo kaya ang matigas na pagkain. Sapagkat ang taong sa gatas nabubuhay ay tulad ng sanggol na hindi alam kung paano mamuhay nang matuwid. Ngunit ang mga taong matigas na pagkain ang kinakain ay tulad ng taong nasa sapat na gulang, at sinanay ang isip na alamin kung ano ang mabuti at masama.