Sapagkat kailanmaʼy wala ni isa man sa mga anghel ang sinabihan ng Diyos ng ganito: “Ikaw ang aking Anak, at ngayon, ako na ang iyong Ama.” At wala ring sinumang anghel na sinabihan ang Diyos ng ganito: “Akoʼy magiging Ama niya, at siyaʼy magiging Anak ko.” At nang isusugo na ng Diyos ang kanyang kaisa-isang Anak sa mundo, sinabi niya, “Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Diyos.” Ito ang sinabi ng Diyos tungkol sa mga anghel: “Ginagawa niyang hangin ang kanyang mga anghel, at nagliliyab na apoy ang kanyang mga utusan.” Ngunit ito naman ang sinabi ng Diyos tungkol sa kanyang Anak: “O Diyos, ang kaharian mo ay magpakailanman. Ang paghahari mo ay makatarungan. Kinalulugdan mo ang gumagawa ng matuwid at kinamumuhian mo ang gumagawa ng masama. Kaya pinili ka ng Diyos, na iyong Diyos, at binigyan ng kagalakang higit sa ibinigay niya sa mga kasama mo.” At sinabi pa niya, “Panginoon, nang pasimula paʼy nilikha mo ang sanlibutan at ikaw rin ang lumikha ng kalangitan. Ang lahat ng ito ay may katapusan, ngunit ikaʼy mananatili magpakailanman. Sapagkat tulad ng damit na kumukupas, ang mga ito ay lilipas. Ang mga itoʼy parang balabal na iyong titiklupin, at tulad ng damit ang mga itoʼy iyong papalitan. Ngunit ikaʼy hindi magbabago, at mananatiling buháy magpakailanman.” Kailanmaʼy hindi sinabi ng Diyos sa sinumang anghel: “Umupo ka rito sa aking kanan hanggang sa gawin kong iyong apakan ang iyong mga kalaban.” Kung ganoon, ang mga anghel ay mga espiritung naglilingkod lang sa Diyos, at sinusugo niya upang tumulong sa mga taong tatanggap ng kaligtasan.
Basahin Mga Hebreo 1
Makinig sa Mga Hebreo 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Hebreo 1:5-14
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas