Mga Gawa 4:1-3
Mga Gawa 4:1-3 ASD
Habang nagsasalita pa sina Pedro at Juan sa mga tao, nilapitan sila ng mga pari, ng kapitan ng mga guwardiya sa Templo, at ng mga Saduceo. Lubhang nayamot ang mga ito dahil nangangaral ang dalawa na muling nabuhay si Hesus, at itoʼy nagpapatunay na muling mabubuhay ang mga patay. Kaya dinakip nila sina Pedro at Juan, at dahil gabi na, ikinulong muna sila pansamantala hanggang mag-umaga.

