Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Gawa 16:25-28

Mga Gawa 16:25-28 ASD

Nang maghahatinggabi na, nananalangin at umaawit ng mga papuri sa Diyos sina Pablo at Silas. Nakikinig naman sa kanila ang ibang mga bilanggo. Walang anu-anoʼy biglang lumindol nang malakas at nayanig kahit ang mga pundasyon ng bilangguan. Nabuksan ang lahat ng pintuan ng bilangguan at natanggal ang mga kadena ng lahat ng bilanggo. Nagising ang guwardiya at nakita niyang bukas ang mga pintuan. Akala niyaʼy tumakas na ang mga bilanggo, kaya hinugot niya ang kanyang espada at magpapakamatay na sana siya. Ngunit sumigaw si Pablo, “Huwag kang magpakamatay! Narito kaming lahat!”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Gawa 16:25-28