Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

2 Mga Taga-Corinto 2

2
1Naisip kong huwag na munang pumunta dʼyan kung makapagdudulot lang naman ng kalungkutan ang pagdalaw ko sa inyo. 2Kayo lang ang nagpapasaya sa akin. Ngunit kung magiging malungkot kayo nang dahil sa akin, papaano pa ninyo ako mapapasaya? 3Iyan ang dahilan kung bakit sumulat ako sa inyo noon. Ayaw kong sa pagpunta ko diyan ay maging malungkot ang mga taong dapat sanaʼy magpapaligaya sa akin. At natitiyak kong ang kaligayahan ko ay kaligayahan din ninyong lahat. 4Sumulat ako noon sa inyo kalakip ang matinding lungkot at pag-aalala na may kasamang pagluha, hindi upang maghinagpis kayo kundi dahil nais kong ipakita kung gaano ko kayo kamahal.
Pagpapatawad para sa Nagkasala
5Ngayon, tungkol naman sa taong nagdulot ng kalungkutan kaninuman, hindi lamang ako ang binigyan niya ng kalungkutan. Ayaw kong magmalabis, ngunit nagbigay din siya ng kalungkutan sa inyong lahat. 6Ngunit sapat na ang kaparusahang ibinigay ninyo sa kanya. 7Kaya patawarin na ninyo siya at patatagin, dahil baka maging labis ang kanyang hinagpis at tuluyang panghinaan ng loob. 8Nakikiusap ako na ipakita ninyo sa kanya na mahal nʼyo pa rin siya. 9At ito nga ang dahilan ng pagsulat ko sa inyo, dahil gusto kong subukin kung sinusunod ninyong mabuti ang lahat ng bilin ko. 10Kung pinatawad na ninyo ang taong nagkasala, pinatawad ko na rin siya. At kung nagpatawad man ako, saksi si Kristo na ginawa ko iyon alang-alang sa inyo. 11Hindi tayo dapat malamangan ni Satanas. Sapagkat alam naman natin ang mga pakana niya.
Mga Lingkod ng Bagong Tipan
12Noong dumating ako sa Troas para ipangaral ang Magandang Balita tungkol kay Kristo, binigyan ako ng Panginoon ng magandang pagkakataon na magawa iyon. 13Subalit hindi ako mapalagay dahil hindi ko nakita roon ang kapatid nating si Tito. Kaya nagpaalam ako sa mga mananampalataya roon at pumunta sa Macedonia.
14Ngunit salamat sa Diyos dahil palagi siyang nangunguna sa ating parada ng tagumpay dahil tayoʼy nakay Kristo. At ngayon ginagamit kami ng Diyos para ipakilala si Kristo sa mga tao. Itoʼy ipinapalaganap namin na parang halimuyak ng pabango. 15Sapagkat kamiʼy mabangong handog na iniaalay ni Kristo sa Diyos, at naaamoy ng mga taong naliligtas at ng napapahamak. 16Sa mga napapahamak, itoʼy alingasaw na nagdadala ng kamatayan, ngunit sa mga naliligtas, itoʼy halimuyak na nagbibigay ng buhay. Sino ang may kakayahang gumawa ng mga bagay na ito? 17Hindi kami tulad ng marami diyan na ginagawang negosyo ang salita ng Diyos upang magkapera. Alam naming nakikita kami ng Diyos, kaya bilang mga mananampalataya ni Kristo at sugo ng Diyos, tapat naming ipinapangaral ang kanyang salita.

Kasalukuyang Napili:

2 Mga Taga-Corinto 2: ASD

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in