Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

2 Mga Taga-Corinto 13:5-8

2 Mga Taga-Corinto 13:5-8 ASD

Suriin ninyo ang inyong sarili kung talagang tunay ang inyong pananampalataya. Siyasatin ninyong mabuti ang inyong sarili. Hindi ba ninyo alam na si Kristo Hesus ay nasa inyo maliban na lang kung hindi kayo tunay na mananampalataya? Umaasa akong makikita ninyo na tunay kaming mga apostol ni Kristo. Ipinapanalangin namin sa Diyos na hindi ninyo gagawin ang anumang masamang bagay. Ginagawa namin ito hindi para ipakita sa mga tao na sinusunod ninyo ang aming mga itinuturo, kundi upang patuloy kayong gumawa ng tama, kahit sabihin nilang hindi kami nagtagumpay bilang mga apostol. Kailanman ay hindi kami gagawa ng labag sa katotohanan, kundi ang naaayon lamang sa katotohanan.