1 Timoteo 6:17-21
1 Timoteo 6:17-21 ASD
Sabihin mo sa mga mayayaman sa mundong ito na huwag silang maging mayabang o umasa sa kayamanan nilang madaling mawala. Sa halip, umasa sila sa Diyos na nagkakaloob sa atin ng lahat ng bagay na ikasisiya natin. Turuan mo silang gumawa ng mabuti, maging mayaman sa mabubuting gawa, at mapagbigay at matulungin sa kapwa. Sa gayon, makakapag-ipon sila ng kayamanang magiging matatag na pundasyon nila sa hinaharap, at matatamo nila ang tunay na buhay. Timoteo, ingatan mo ang mga aral na ipinagkatiwala sa iyo. Iwasan mo ang mga walang kabuluhang usap-usapan na ipinapalagay ng iba na karunungan, pero sumasalungat sa itinuturo natin. Dahil sa ganyang pagmamarunong ng ilan, nalihis sila sa pananampalataya.





