Sinasabi ng PANGINOON
na inyong Tagapagligtas,
ang Banal na Diyos ng Israel:
“Ako ang PANGINOON na inyong Diyos
na nagturo sa inyo kung ano
ang mabuti para sa inyo
at ako ang pumatnubay sa inyo
sa tamang daan.
Kung kayo lamang ay sumunod
sa aking mga utos,
dumaloy sana na parang ilog
ang kapayapaan sa inyo,
at magsunod-sunod ang inyong tagumpay
na parang alon na dumarating
sa dalampasigan.