Ngunit salamat sa Diyos dahil palagi siyang nangunguna sa ating parada ng tagumpay dahil tayoʼy nakay Kristo. At ngayon ginagamit kami ng Diyos para ipakilala si Kristo sa mga tao. Itoʼy ipinapalaganap namin na parang halimuyak ng pabango. Sapagkat kamiʼy mabangong handog na iniaalay ni Kristo sa Diyos, at naaamoy ng mga taong naliligtas at ng napapahamak.