Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 1 Timoteo 6:17

Kagalakan
5 Araw
Ang pagkakaroon ng kaligayahan ay isa sa mga mahahalagang bahagi ng pananampalataya sa Dios. At ang kaligayahang ito ay lumalago sa pagiging malapit natin sa ating Panginoon at sa patuloy nating pagninilay ng Kaniyang mga Salita. Ang bawat tula, kung ito'y sinasaulo at isinasapuso, ay nakapagbibigay ng ibayong kaligayahan sa ating buhay! Hayaan nating mabago ang ating buhay sa pamamagitan ng pagsasaulo ng mga kasulatan mula sa Biblia

Pagbawi ng Iyong Kagalakan
5 Araw
Kung nais mo ng kagalakan sa iyong buhay, marapat mong hanapin ang balanse sa iyong talaan. Ibinabahagi ni Pastor Rick kung paano mo maaaring baguhin ang mga bagay na ipinapasok at inilalabas mo upang ang iyong pagbibigay at pagtanggap ay makatulong sa iyong bawiin ang iyong kaligayahan, at hindi pakawalan ang mga ito.

ANO ANG SINASABI NG BIBLIYA TUNGKOL SA PANGANGASIWA
7 Araw
Ang debosyon na ito ay tungkol sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa pangangasiwa. Hayaang palakasin ng mga talatang ito ang ating buhay.

Puro Pera Pero...
10 Mga araw
“Puro pera na lang ang pinag-uusapan sa church namin!” Nasabi mo na ba ito? Narinig mo na ba ito? Ikaw ba yung pastor o preacher na guilty sa ganitong bagay? Pero, teka muna. Saan ba dapat pag-usapan ang tungkol sa pera? Mahigit 2,300 beses binabanggit ang pera sa Bible. Mukhang maraming nais sabihin ang Panginoon tungkol dito. Hindi ba dapat pag-usapan natin ito? Sa devotional na ito, alamin natin kung bakit mahalagang maunawaan ang tungkol sa pera ayon sa salita ng Diyos upang tayo ay maging tapat na alagad ni Kristo.

Mga Pakikipag-usap sa Diyos
12 Araw
Ang Mga Pakikipag-usap Sa Diyos ay isang masayang karanasan na nagpapalalim sa buhay -panalangin, at binibigyang-diin ang mga praktikal na pamamaraan upang marinig ang tinig ng Diyos. Nais ng Diyos na maging masaya tayo sa patuloy na pakikipag-usap sa Kanya sa buong buhay natin—isang usapan na gagawa ng kaibhan sa direksiyon, mga relasyon, at layunin. Ang gabay na ito ay puno ng mga personal na kuwento na madaling unawain patungkol sa mahabaging puso ng Diyos. Iniibig Niya tayo!

Paghahanap ng Iyong Paraang Pananalapi
28 Araw
Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning

Ang Paglalakbay Patungo sa Pamana
31 Araw
Si Dave Ramsey ay ang pinagkakatiwalaang tinig ng Amerika tungkol sa pananalapi at negosyo. Kasunod ng kanyang pagkabangkarote sa edad na 30, itinakda ni Dave sa kanyang sarili na matutunan ang mga pamamaraan ng Diyos sa paghawak ng salapi. Ngayon ay inilalaan ni Dave ang kanyang sarili sa pagtuturo sa iba kung paano pamahalaan ang kanilang salapi upang sila ay makapamuhay at makapagbigay nang higit sa dati. Sa susunod na 31 araw, gagabayan ka ni Dave sa mga pahayag ng Biblia tungkol sa pananalapi at kayamanan at kung paano mamuhay at mag-iwan ng isang pamana para sa mga darating na henerasyon.