1
Josue 23:14
Ang Salita ng Diyos
ASD
“Malapit na akong mamatay. Nalalaman nʼyo sa buong puso ninyoʼt kaluluwa na tinupad ng PANGINOON na inyong Diyos ang lahat ng mabubuting bagay na ipinangako niya sa inyo. Wala, kahit isa na hindi niya tinupad.
Yenzanisa
Ongorora {{vhesi}}
2
Josue 23:11
Kaya ingatan ninyong lubos sa inyong puso na ibigin ang PANGINOON na inyong Diyos.
3
Josue 23:10
Kahit sino sa inyo ay makakapagtaboy ng isang libong tao dahil ang PANGINOON na inyong Diyos ang nakikipaglaban para sa inyo, ayon sa ipinangako niya.
4
Josue 23:8
kundi, maging tapat kayo sa PANGINOON na inyong Diyos, gaya ng ginagawa nʼyo hanggang ngayon.
5
Josue 23:6
“Magpakatatag kayo at tuparin nʼyong mabuti ang lahat ng nakasulat sa Aklat ng Kautusan ni Moises. Huwag nʼyo itong itakwil.