1
Mga Taga-Roma 9:16
Ang Salita ng Diyos
ASD
Kaya ang pagpili ng Diyos ay hindi batay sa kagustuhan ng tao o sa paggawa niya ng mabuti, kundi sa awa ng Diyos.
සසඳන්න
Mga Taga-Roma 9:16 ගවේෂණය කරන්න
2
Mga Taga-Roma 9:15
Sapagkat sinabi niya kay Moises: “Mahahabag ako sa gusto kong kahabagan; maaawa ako sa gusto kong kaawaan.”
Mga Taga-Roma 9:15 ගවේෂණය කරන්න
3
Mga Taga-Roma 9:20
Ngunit sino ka para magreklamo sa Diyos? Tayoʼy mga nilikha lang ng Diyos, kaya hindi tayo dapat magreklamo. Nararapat bang sabihin ng nilikha sa lumikha sa kanya, “Bakit mo ako nilikha nang ganito?”
Mga Taga-Roma 9:20 ගවේෂණය කරන්න
4
Mga Taga-Roma 9:18
Nangangahulugan ito na kinaaawaan ng Diyos ang gusto niyang kaawaan, at pinatitigas niya ang puso ng iba kaya hindi na talaga sila nakikinig.
Mga Taga-Roma 9:18 ගවේෂණය කරන්න
5
Mga Taga-Roma 9:21
Tulad ng isang magpapalayok, may karapatan siyang hubugin ang putik ayon sa gusto niya. May karapatan siyang gumawa ng dalawang uri ng sisidlan mula sa iisang tumpok ng putik: Ang isa ay espesyal, at ang isa naman ay karaniwan lang.
Mga Taga-Roma 9:21 ගවේෂණය කරන්න