Mga Taga-Roma 2:3-4
Mga Taga-Roma 2:3-4 ASD
Ngunit sino ka para humatol sa iba kung ikaw mismo ay gumagawa rin ng mga iyon? Akala mo baʼy makakaligtas ka sa hatol ng Diyos dahil alam mong siyaʼy mabuti, matiyaga at mapagtimpi? Dapat mong malaman na ang Diyos ay mabuti sa iyo dahil binibigyan ka niya ng pagkakataong magsisi sa mga kasalanan mo.





